9-anyos na Fil-Am, inipon ang allowance para mailibre ang ilang PWD kids

9-anyos na Fil-Am, inipon ang allowance para mailibre ang ilang PWD kids

- Isang 9-anyos na Filipino-American ang nanlibre sa ilang PWD na bata sa Pilipinas gamit ang inipon nitong bahagi ng kanyang allowance

- Napag-alamang ang batang ito, hindi pa pala nakakatuntong sa bansa

- Sabi nito, nais lamang niya na ibahagi ang kanyang mga natatanggap na blessings

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Bata pa lamang si Jeffrey Olaes Jr., 9 na taong gulang at nakatira sa Texas, USA, ay marunong na itong tumulong.

Sa ulat ng ABS-CBN News, inilibre ni Jeffrey ang ilang PWD na bata sa Baguio City na pinangangalagaan ng iba-ibang Non-Government Organizations (NGO) gamit ang kanyang naipon mula sa kanyang allowance.

Sa tulong ng kanyang tiyahin na nasa bansa na siyang nangasiwa para matupad ang hiling ng bata, maraming bata ang kanyang napasaya.

Napag-alaman naman na hindi pa pala nakakatuntong sa Pilipinas si Jeffrey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Sa pamamagitan ng video call, nakita ni Jeffrey ang mga natulungang bata na naghandog pa ng awit para sa kanya.

At kahit na bata pa marunong na itong magpasaya ng kanyang mga kapwa-bata.

"We just want them to have a good time and share the blessing and let them eat the food," sabi pa nito.

"I feel like they're happy... Really happy." dagdag pa nito.

Napag-alaman naman na ang mga magulang nito ang siyang nagturo sa bata na magbahagi ng mga natatanggap nitong biyaya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel