Lalaking namomroblema ng panghulog sa motor, nagsauli ng $10K

Lalaking namomroblema ng panghulog sa motor, nagsauli ng $10K

-Sa kabila ng kanyang pinansiyal na problema, hindi naman nagdalawang-isip ang isang binata na isauli ang malaking halagang kanyang napulot

-Nagkakahalaga itong P$10,000 o humigi't-kumulang P500,000 at P16,000

-Dahil dito, kinilala ang kanyang katapatan ng kanyang employer at maging ng kanyang bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nagdalawang-isip ang binatang si Jaymart Perez Manlimid, 23-anyos, isang booth teller sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR), na isauli ang kanyang napulot na malaking halaga.

Ayon sa panayam dito ng Manila Bulletin, nasa ikatlong araw na raw nito sa trabaho nang 'di inaasahang makapulot ito ng bag na may lamang malaking halaga.

Sabi pa nito, noong araw na iyon ay namomroblema pa siya sa panghulog sa kanyang motorsiklo nang tawagin ng isang truck driver na nagbabayad ng toll ang kanyang pansin at itinuro ang bag.

Nang buksan niya ito ay doon niya nakita ang pera na nagkakahalaga ng $10,000 o humigi't-kumulang P500,000 at P16,000.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Naisip ko ang laki naman nito para panghulog sa motor, pero hindi ko naman po ugali na pakialaman ang hindi sa akin at hindi ko pinaghirapan” sabi nito sa panayam.

Agad niya itong ipinagbigay alam sa kanyang supervisor na siya namang tumulong para mahanap ang may-ari ng bag.

Kinalaunan, napag-alamang pag-aari ito ni Jocel dela Torre Trania, isang overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea.

Ayon sa ulat, nahulog ni dela Torre ang bag nang buksan nito ang pinto ng kanyang sasakyan para kunin ang kanyang entry ticket sa STAR toll.

Dahil dito, kinilala ng kanyang employer ang katapatan ni Manlimid at sa loob lamang ng dalawang buwan ay isa na siyang regular na empleyado.

Bukod dito ay kinilala rin ng provincial government ng Batangas ang nagawang kabutihan ng binata na binigyan ng pagkilala noong July at nabigyan ng plaque of recognition.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Teenage pregnancy now acknowledged as ‘national social emergency’

Teenage pregnancy now acknowledged as ‘national social emergency’

Teenage pregnancy now acknowledged as ‘national social emergency’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel