Winning lotto ticket, naiwala di umano ng teller kaya di ma-claim ng nanalo ang premyo

Winning lotto ticket, naiwala di umano ng teller kaya di ma-claim ng nanalo ang premyo

- Halagang P113,065,050 sana ang napanalunan sa lotto ni Joram Pagaran na nagsabing naiwala ng teller ng lotto outlet ang kanyang ticket

- Siya sana ang solo winner ng nabanggit na halaga ngunit di niya ito ma-claim dahil sa nawala ang ticket

- Patuloy pa rin ang imbestigasyon ukol sa insidenteng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa pulisya si Joram Pagaran ng Butuan city na nagpakilalang nanalo sana sa lotto kung di lamang naiwala ng teller ang kanyang winning ticket.

Ayon sa Philippine Star, residente si Pagaran ng Barangay Soriano, Cabadbaran City sa Agusan del Norte na siya sanang mag-uuwi ng tumataginting na P113,065,050 na jackpot ng 6/45 Mega lotto noong Hulyo 17.

Kwento ni Pagaran nagtungo siya sa Lotto outlet sa E. Luna street, Barangay Sikatuna upang kumpirmahin ang ticket niya kung ito nga ba ay nanalo.

Nang ipasok ang winning ticket, nalaman niyang siya nga ang nanalo sa araw na iyon.

Ngunit sa kasamaang palad, itinatanggi ng teller ng nasabing outlet na binigay umano ni Pagaran ang ticket sa kanila para sa kumpirmasyon.

Dinala pa ang teller ng outlet sa pulisya ngunit pilit pa rin nitong itinatangging hindi nila kinuha ang tiket ni Pagaran.

Winning lotto ticket, naiwala di umano ng teller kaya di ma-claim ng nanalo ang premyo

source: Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidenteng ito.

Samantala, nag-abiso naman ang PCSO na sa kanilang main office sa Mandaluyong city dapat ipiniprisinta ang winning lotto ticket para sa kumpirmasyon.

Dapat din na maayos pa at di sira ang ticket sa pag-prisinta nito. Kinakailangan ding pirmado ng sinasabing nanalo ang likod ng tiket.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel