Abusadong mister, nais nang ipakulong ng misis at mga anak nito

Abusadong mister, nais nang ipakulong ng misis at mga anak nito

-Umiiyak na idinulog ng mag-ina ang kanilang reklamo laban sa kanilang padre de pamilya sa programa ni Raffy Tulfo

-Ayon sa mga ito, bukod sa pananakot at pagbabanta ay labis na daw ang kanilang takot dito

-Agad naman itong tinulungan ng programa at nangako ng suporta upang masampahan ng kaso ang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Umiiyak na dumulog sa programang Wanted sa Radyo ang mag-inang Fatima at Jacky Galanaga sa programang Wanted sa Radyo.

Inireklamo ng dalawa ang kanilang padre de pamilya na si Pedro Galanaga.

Ayon sa kwento ng dalawa, makailang beses nang nagwala si Pedro sa tuwing ito ay uuwi sa kanila.

May mga pagkakataon din umano na binabantaan nito ang buhay ni Fatima.

Nagdala na rin daw ito ng baril sa kanilang bahay at doon pa mismo naglalagay ng bala sa harap ng kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Sabi naman ni Fatima, hindi naman daw ganoon kalala ang kanyang asawa na kasal na dito sa loob ng 28 taon.

Kaya naman, nais sana niya na sumailalim ang mister sa drug test.

Bukod dito, inamin na din ni Fatima na mayroon na umanong napatay ang kanyang asawa kung kaya labis na ang kanyang pangamba para sa kanilang mag-iina.

Agad naman itong inaksyunan ng programa at humingi ng tulong sa Caloocan police upang matulungan ang mag-iina.

Samantala, hindi naman nakausap ng programa ang inirereklamong lalaki dahil ibinaba nito ang telepono.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel