Mayor Isko, pinuri dahil sa mabilis na aksyon sa nangotong na MTPB personnel

Mayor Isko, pinuri dahil sa mabilis na aksyon sa nangotong na MTPB personnel

-Wala pang 24 oras nang bantaan ni Mayor Isko ang mga MTPB personnel na isuko ang isa sa kanila na huling nangongotong

-Ngunit ilang oras pa lang ay agad na itong nahubaran ng Manila Mayor ng uniporme at ID

-Dahil dito, umani muli ang alkalde ng papuri mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Wala pa ngang 24 oras nang bantaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng Manila Traffic And Parking Bureau (MTPB) personnel matapos nitong madiskubre ang pangongotong ng isa sa mga ito pero agad nang may aksyon mula sa alkalde.

Sa isang CCTV footage huli sa akto ng umano'y pangongotong ng isang MTPB personnel na kinilalang si Ricardo Galit.

Matapos nitong mag-viral ay agad na binalaan ni Mayor Isko na sisibakin ang lahat ng MTPD personnel kapag hindi nila isinuko ang nasa CCTV.

Ilang oras lang ang makalipas ay agad nang iprinisinta ng alkalde ang salarin at doon mismo hinubaran ng ID at uniporme si Galit, ayon sa ulat ng The Philippines News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Dahil dito, umani muli ng papuri si Mayor Isko dahil sa mabilis nitong pag-aksyon sa insidente.

"maging halimbawa Yan sa lahat ng tagapagpatupad NG batas sa boong pilipinas."

"Good job Mayor Isko we proud of you."

"takot mawalan ng trabaho...kundi pa nagbigay ng ultimatum si mayor...hindi lalabas yan."

"Salamat mayor kahit paano nakaganti rin kami sa mga hinayupak na yan...karmahin kau ang pera kinuha nyo s amin pambili ng gamor yan sa kapamilya nyo may sakit kkatuwa nman."

"Good job mayor isa kang huwaran ng mamayan diseplina ang kailangan sa mamayan ..goodjob."

"Good job mayor...sana rin ung mga malalaking isda na involve sa corruption."

"The best mayor in the Philippine Isko Moreno.."

"Saglit lang... Parang kanina lang pinalulutang yan. Good job yorme."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel