Video ng mga estudyanteng kumakain sa kanilang graduation rites, nag-viral

Video ng mga estudyanteng kumakain sa kanilang graduation rites, nag-viral

- Agaw eksena sa social media ang video ng mga babaeng kumakain sa kanilang graduation rites

- Marahil sa tagal ng seremonya ay naisipan nang kumain ng mga ito

- Natuwa naman ang mga netizens sa video dahil tila inaasahan na ng mga estudyante ang tagal ng kanilang graduation rites kaya marahil naisipan na nilang mag-baon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang nakakaaliw na video ng mga estudyanteng nakunan ng video habang kumakain sa kanilang graduation rites.

Binahagi ng Facebook page na Viral compiler ang video kung saan, kanin pa talaga ang kinakain ng mga babaeng nakasuot pa ng toga sa seremonya mismo ng kanilang pagtatapos.

Mapapansin ding may hawak pa ang ilan sa mga ito ng tinapay na kanila talagang binaon.

Marahil, inaasahan na nila ang tagal ng kanilang graduation kaya naman naisipan na nilang magdala ng pagkain dahil tiyak na sila ay gugutumin.

May caption pa ang post na "Graduation feast, Hahahahaha... Napakamemorable ng moment na to para sa kanila."

Tiyak na di nga nila ito malilimutan dahil sa mismong graduation rites pa sila nagkainan habang hinihintay ang kanilang pangalan na matawag sa entablado upang tanggapin ang kanilang diploma.

Samantala, naaliw naman ang mga netizens at sinabing baka iyon na raw ang handa ng mga estudyante para sa blowout ng kanilang pagtatapos sa kolehiyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Baka yan na ang handaan nila, sa tagal e diyan na nila ginawa"
"Gimutom na sila ate, e baka kasi ang tagal ng ceremonies nila"
"Tama lang naman na kumain na sila, malamang sa sobrang tagal e gugutumin na talaga yang mga yan"
"Sino kaya ang nagbaon ng kanin? hehehehehehe"
"Hala, kanya-kanya pa sila ng subo. parang tinapay lang naman ang baon nung isa"
"Ang kulit, e sa nakakagutom nga maghintay ng pangalan bakit ba?"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel