Netizens, binatikos ang mga di nagpaupo sa dalawang matanda sa bus

Netizens, binatikos ang mga di nagpaupo sa dalawang matanda sa bus

- Viral ang binahaging larawan ng dalawang matanda na wala manlang nagmalasakit na paupuin sila sa bus

- Buntis ang kumuha ng larawan at sinabing kung di raw siya nagdadalang-tao, siya na ang nagpa-upo kahit sa lola manlang

- Di maiwasang maglabas ng saloobin ng mga netizens dahil sa nakakadurog ng puso na post na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagngitngit sa inis dahil sa viral post na binahagi ng netizen na si Jovit Je Lim. Makikita kasi rito ang matandang babae at lalaki na matiyagang nakatayo lamang sa bus at walang ni isang nag-alok sa kanila ng mauupuan.

Kuha raw ito ng misis ni Jovit. Buntis daw ito at kung di nga lang daw siya nagdadalang tao, siya na ang nagpa-upo man lang sa matandang babae.

Kitang-kita naman kasi sa larawan na hirap ang dalawang matanda na tumayo at bumalanse.

Para lamang di matumba, magkayakap ang lolo at lola habang umaandar ang bus.

Di rin nakatiis ang asawang buntis ni Jovit at pinaupo sandali ang lola pagdating sa bus stop.

Dahil dito, di maiwasang maglabas ng saloobin ang mga netizens ukol sa pangyayari.

Habang ang ilan sa kanila ay nagngingitngit sa inis sa mga sakay ng bus, ang ilan naman ay nagsasabing kasalanan din ito ng driver at konduktor na nagpasakay kina lolo at lola.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang samu't-sari nilang naging reaksyon:

"Kasalanan din ng driver at ng conductor ng bus yan! Ano yun ndi nila nakikita? At paupuin sa unahan pra sa mga senior citizen? Yung iba nman talagang nag tutulog-tulogan lang ang kakapal ng mnga mukha!!! Parang walang mga magulang"
"Wala kasi nmang batas para dun, konsensya lng ng mga tao ang pagbibigay ng upuan, hindi pwede ipilit ng conductor pasahero na ibigay upuan nila"
"Nagbabayad naman po kasi ng wasto ....wag nyo pong sisihin at pagalitan..kasalanan yan ng konduktor bakit ngpapasakay eh ala na pala bakante"
"Nakakaawa naman kasi baka kailangan na nilang bumiyahe kaya sumakay sila kahit punuan na, sana kahit yung matandang babae manlang e pinaupo"
"Nakakadurog pa rin kasi ng puso, sana manlang may nagmalasakit sa kanila"
"Di ba may upuan sa unahan ng bus na reserved for senior citizens? kaya siguro sumakay sina lolo at lola kasi alam nilang makakaupo sila"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities air heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon

Celebrities air heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon

Celebrities air heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel