Lalaking sumampa sa pakpak ng eroplano, sanhi ng delayed flight

Lalaking sumampa sa pakpak ng eroplano, sanhi ng delayed flight

- Isang lalaki ang lakas loob na sumakay sa pakpak ng eroplano

- Napag-alamang ang gamit niya ay nasa kabilang makina ng eroplano

- Mabuti na lamang at nakita ito ng isa sa mga pasahero bago pa man tuluyang makaalis ang flight na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sanhi ng pagka-delay ng isang flight patungong Port Harcourt, Nigeria noong Hulyo 19 ang isang lalaking nagtangka umanong sumakay sa kaliwang pakpak ng Flight Azman Air 737.

Nasa runway pa lamang nang mapansin ng isang pasahero sa kanyang bintana na isang lalaki ang sumasampa sa nasabing bahagi ng eroplano.

Ang nakakatakot pa rito, nilagay pa niya ang kanyang gamit sa mismong engine ng Boeing 737 na labis na delikado.

Dahil bahagyang tumatakbo na sa runway ang eroplano, agad itong nahinto ng piloto na na-alertuhan agad sa pangyayari.

Mabuti na lamang at di pa tuluyang nakakalipad ang eroplano nang makita ang lalaki.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pangyayaring ito. Hinihinala kasing wala sa katinuan ang lalaking gumawa nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities air heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon

Celebrities air heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon

Celebrities air heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel