Mommy Dionisia Pacquiao, hindi napanood ang laban ng anak

Mommy Dionisia Pacquiao, hindi napanood ang laban ng anak

- Matapos manalo ang anak na si Manny Pacquiao sa PacMan-Thurman fight, hindi maitago ni Mommy D ang kanyang kasiyahan

- Gayunpaman, hindi daw niya napanood ang anak habang nakikipagbakbakan kay Keith Thurman

- Ito ay sa kadahilanang nakaluhod lamang daw siya at nagdadasal para sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang laban ni Manny Pacquiao ay masayang hinarap at sinagot ni Mommy Dionisia Pacquiao ang mga press people. Sa isang video na ibinahagi sa Twitter ng ABS-CBN News, sinagot niya ang mga ilang katanungan.

Nagpasalamat siya sa lahat ng suportang natatanggap nila mula sa mga kababayan.

Samantala, naitanong sa kanya kung ano ang kanyang naramdaman nang nakakabawi na si Thurman.

"Ewan ko lang, hindi ako nanood eh. Nagdasal ako eh," sagot ni Mommy D., habang bakas parin ang tuwa sa kanyang mukha matapos matalo ni Manny si Keith Thurman.

Pinatotohanan naman ito ng kanyang kasama ang tinuran nito at nagsabing nakaluhod lang diumano si Mommy D. at dasal ng dasal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bago paman magsimula ang laban ay ipinagdasal ni Mommy D. ang anak.

Si Dionisia Pacquiao ay kilala bilang ina ni Senator Manny Pacquiao. Bukod sa pagiging ina ng pambansang kamao, sumikat din si Mommy D. dahil sa kanyang pagpapasaya sa mga tao. Palaging inaabangan ng mga fans ni Manny ang reaksiyon ni Mommy D. tuwing may laban ang anak.

POPULAR: Read more about Manny Pacquiao here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Sa English Ang Batok?| HumanMeter

Check out Human Meter's Tricky Questions Human Meter hits the streets to ask random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., nagpasaringan sa isa't-isa

Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., nagpasaringan sa isa't-isa

Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., nagpasaringan sa isa't-isa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel