Kakai Bautista, umalma sa mga nagbibigay malisya sa pagyakap niya kay Alden Richards

Kakai Bautista, umalma sa mga nagbibigay malisya sa pagyakap niya kay Alden Richards

- Hindi pinalampas ni Kakai Bautista ang mga netizens na nagbibigay malisya sa kanyang pakikipagkaibigan kay Alden Richards

- Inalmahan ng komedyante ang mga komento ng ilang netizens dahil sa pagiging malapit niya sa Kapuso actor

- Ayon pa kay Kakai, walang makakapigil sa kanya kung gusto niya yakapin si Alden

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuwelta ang singer-comedienne na si Kakai Bautista sa mga malisyosong netizens na laging may nasasabi tuwing makikitang magkasama sila ni Alden Richards.

Hindi pinalampas ni Kakai ang mga pambabatikos na natanggap tuwing niyayakap niya ang Kapuso actor.

“Ang dumi ng word na napagsamantalahan. Iniisip ko tuloy lagi kung saan nakakabili ng gamot para sa malisyoso," saad ng tweet ni Kakai.

“Kase ang lala ng sakit na yun. Yung tipong yung tao nag-iisip, naglalagay ng meaning tapos sila din ang masasaktan. ---pero bakit parang kasalanan ko?!”

Nilinaw din ni Kakai na kahit anong sabihin ng mga haters, wala silang magagawa kung gusto niyang yakapin si Alden.

“MAKA-Lagot kayo sa akin akala nyo eh. I will never be sorry for Loving and caring for a friend!

“HABANGBUHAY KONG YAYAKAPIN si @aldenrichards02 Baby ko sya Forever!

“At wala kayong magagawa dahil mabuti syang kaibigan sa akin!!!!! kung gusto nyo kayo din YAKAPIN KO! Tara!”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang dati na ring nabatikos ang komedyante dahil sa mga nag-alburutong fans ni Alden.

Si Kakai ay nagsimula bilang isang artista sa teatro. Siya ay nadiscover ni Ricky Rivero noong 2003 pagkatapos ng kanyang mahusay na pagganap sa dulang Alikabok. Tinagurian siyang The Dental Diva dahil na rin sa husay niya sa pagkanta at pagpapatawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano San English Ang Batok?| HumanMeter

Check out Human Meter's Tricky Questions Human Meter hits the streets to ask random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel