Modus na pagnanakaw ng "payong gang," sapul sa video

Modus na pagnanakaw ng "payong gang," sapul sa video

- Sapul sa video kung paano raw umatake ang sinasabing "payong gang"

- Napakabilis ng pangyayari na sa isang iglap lang ay may nanakawan silang isang lalaki

- Magsilbing babala raw ito sa publiko lalo pa at tila mga batikan na snatcher na ang gumagawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kitang-kita sa isang video kung paano ginagawa ng di umano'y "Payong gang" ang kanilang modus na pagnanakaw.

Sa post na binahagi ng Idol Raffy Tulfo Supporters makikita ang dalawang babae na aakalaing mamimili lamang sa isang tindahan sa mall.

Palinga-linga lamang ito na animo'y naniningin nga ng mga paninda.

Maya-maya pa'y dumating ang isang lalaki na mayroon nang bibilhin.

Doon lumapit na ang nakatatandang babae at nilabas na ang itim niyang payong.

Tila alam naman ng babae na may cctv ang naturang tindahan ngunit lakas loob pa rin itong tumitingin ng diretso dito.

Mapapansin ding di pala nag-iisa ang babaeng ito dahil may kasama siyang mas nakababatang babae na may dala ring payong.

Lumapit din ito sa mas matandang babae na pakunwaring nagtanong sa saleslady.

Nang maaktuhan nilang ipinuwesto ng lalaki ang 'sling bag' nito sa may likuran, mabilis na nakuha ng nakatatandang babae ang pitaka nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gamit ang kanilang payong, di napansin ng mga naroon na mayroon na pa lang nakawang naganap.

Mabilis ding nakalabas ng tindahan ang dalawang babae na para bang walang nangyari.

Sumunod na rito ang pagkapa ng lalaki sa kanyang pitaka na kumpirmado ngang nawala.

Makikita na hinanap niya ito sa lahat ng bahagi ng kanyang bag at maging sa kanyang mga bulsa.

Magsilbing babala raw umano ang video na ito sa publiko. Maging alerto lalo na at walang pinipiling oras at lugar ang mga taong gumagawa ng krimen lalo na sa panahon ngayon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel