Kris Bernal, personal na idineliver ang order ng kanyang customer

Kris Bernal, personal na idineliver ang order ng kanyang customer

- Ibinahagi ni Kris Bernal ang video kung paano siya bumawi sa isang customer dahil sa delayed na pagdeliver ng kanyang order

- Personal niyang dinala ang order nito na lipstick at may mga binigay pa siyang free items

- Ayon pa kay Kris, siya mismo ang nag-iisip ng mga konsepto at nagpa-pack ng mga orders

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Kris Bernal ang isang video sa kanyang YouTube channel kung saan personal niyang iniabot sa customer ang order nitong lipstick.

Minabuti niyang gawin iyon dahil limang araw na diumanong delayed ang delivery ng order.

Siya din mismo ang nagdrive papunta sa bahay ng customer. Maliban sa personal na pagdeliver, may freebies din siyang ibinigay.

Ayon pa kay Kris, hindi ito ang unang beses na siya mismo ang nagdeliver ng kanyang produkto. Isa daw sa nagpapasaya sa kanya ay tuwing may mga 5-star ratings na natatanggap ang kanyang produkto na SHE cosmetics.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Siya mismo ang nagbabalot at nagta-track ng mga orders sa kabila ng kanyang regular na trabaho bilang artista.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang kustomer nang makitang si Kris Bernal ang nagdala ng lipstick na kanyang inorder.

Sa naunang ulat ng KAMI, kinabiliban din si Kris dahil sa kanyang pagiging independent.

Si Kris Bernal ay unang nakilala sa kanyang pagkapanalo sa ikaapat na season ng StarStruck. Siya ay kilala sa kanyang dual role bilang Rosette at Nimfa sa Impostora.

POPULAR: Read more about Kris Bernal here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano San English Ang Batok?| HumanMeter

Check out Human Meter's Tricky Questions Human Meter hits the streets to ask random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel