Direk Joey Reyes, sinupalpal si Miss Grand Thailand 2019

Direk Joey Reyes, sinupalpal si Miss Grand Thailand 2019

- Hindi napigilan ng maraming Pinoy at beauty pageant enthusiasts na magreact sa mga naging pahayag ni Miss Grand Thailand 2019

- Matatandaang naging kontrobersiyal ang kanyang pagpost ng meme na nakalagay ang salitang "fat" sa litrato ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

- Isa nga sa mga naghayag ng kanyang opinyon ay ang award-winning writer-director na si Joey Reyes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na rin ng kaniyang saloobin si Direk Joey Reyes tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Miss Grand Thailand 2019. Ito ay matapos lumabas ang balitang magso-sorry lamang daw siya kay Catriona Gray kapag ito mismo ang magre-reach out sa kanya na nanuna nang naiulat ng

Sandamakmak na pambabatikos ang inabot ni Coco Arayha Suparurk dahil sa kaniyang mga naging pahayag.

Sa isang news article sa Twitter tungkol sa Thai beauty queen, isang banat ang naging reply ng award-winning writer-director.

“This Thai woman needs her medication badly. Or a brain surgery... through her toes," saad ng kanyang tweet.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang naging malaking isyu ang Instagram story ni Coco. Isa itong meme na kung saan nakalagay ang litrato ni Catriona at Grand International 2018 Clara Sosa ng Paraguay. Sa kanilang litrato ay may nakalagay na mga salitang "FAT" at "FIT."

Direk Joey Reyes takes sinupalpal si Miss Grand Thailand 2019
Direk Joey Reyes takes sinupalpal si Miss Grand Thailand 2019
Source: Instagram

Kinondena ng mga netizens ang kanyang pagpost lalo at isa na rin siyang title holder sa isang beauty pageant.

Makikita sa mga comments sa kanyang Instagram posts ang reaksiyon ng mga tao, kabilang na rin ng kanyang kababayan na kumukondena sa kanyang ginawa.

Si Jose "Joey" Javier Reyes ay isang writer, direktor, at aktor. Nanalo siya ng mga parangal sa Gawad Urian, Metro Manila Film Festival at Filipino Star Awards for Movies para sa kanyang mga pelikulang, Pahiram Ng Isang Umaga, Batang PX at Kasal, Kasali, Kasalo.

POPULAR: Read more news about beauty pageants here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano San English Ang Batok?| HumanMeter

Check out Human Meter's Tricky Questions. Human Meter hits the streets to ask random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel