Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"

Mag-asawang may timbang na nasa 300-500 lbs., tinupad ang kanilang "new year's resolution"

- Sina Lexi Reed at kanyang mister ay parehong nagdesisyon na baguhin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagbabagong anyo

- Wala man silang diet plan at personal gym trainer, mayroon naman daw silang suportang nakukuha sa isa't isa

- Nakamamanghang sa loob lamang ng isang taon, nasa 370 pounds na ang nabawas sa kanilang timbang lalo na kay Lexi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Fatgirlfedup" ang bansag mismo ni Lexi Reed sa kanyang sarili dahil sa pagod na raw siyang maging 'overweight.'

24 anyos siya nang ikasal sa kanyang nobyo noon na may kalakihan din ang timbang.

Nasa 500 pounds na noon si Lexi habang ang napangasawa naman niya ay nasa 300 pounds ang bigat.

Pareho, nagdesisyon sila na magkaroon ng 'new year's resolution at ito ay ang kanilang pagbabagong anyo.

Makikita sa video na binahagi ng Power of positvity kung paano puspusang nagwo-workout ang mag-asawa sa gym.

Iba't ibang mga kagamitan ang kanilang sinusubukan doon para lamang mabawasan ang kanilang timbang.

Ayon pa kay Lexi, wala man daw silang meal plan at personal trainer sa gym, mayroon naman silang suporta na nakukuha sa isa't isa at iyon ang pinakamahalaga sa kanilang ginagawa.

Dahil dito, sa loob lamang ng isang taon, umabot na ng 370 pounds ang nabawas sa kanilang timbang.

Ito ay bunga ng kanilang determinasyon at pagpupursige na tuparin ang kanilang "new year's resolution."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagbabawas ng timbang ng dalawa hanggang sa maabot ang kanilang ideal weight.

Tunay na marami ang na-inspire sa kwento ng mag-asawang ito dahil sa hangad nila ang mapabuti ang isa't isa kaya naman pareho nilang ginawa ang nararapat sa kanilang pangangatawan.

Umabot na sa halos 4 million views ang video mula nang ito'y binahagi noong lamang Hulyo 17.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel