Giit ni mommy, sustento ni ex-BF kay baby na 'di na nga sapat, may "kapalit" pa

Giit ni mommy, sustento ni ex-BF kay baby na 'di na nga sapat, may "kapalit" pa

-Hindi natuwa si Raffy Tulfo sa isinumbong sa kanya ng isang single mom na ang ibinibigay daw na sustento ng ex-BF nito ay may kapalit pa daw

-Ngunit ang hinaing ni ate, bukod dito ay ang hindi nito pagbibigay ng sapat na sustento sa kanilang anak

-Bagamat itinanggi ng lalaki na may kapalit ang kanyang sustento, sinabi nitong nagbibigay naman daw siya ng mga kailangan ni baby

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang choice ang single mom na si Ruby Rose Allosa kundi ang ilapit ang kanyang problema sa kanyang dating nobyo at ama ng kanyang anak sa programang Aksyon sa TV5.

Reklamo ni Allosa, hindi na nga sapat ang ibinibigay ng kanyang ex na si Emerson Aragon sa kanilang baby ay may kapalit pa daw ang ibinibigay nito.

Ayon sa sumbong nito, kapag kinakausap niya si Emerson ay may mga pagkakataong nais daw siya nitong dalhin sa motel para may mangyari sa kanila.

Bukod dito, napag-alamang grocery items lamang ang ibinibigay ni Aragon sa anak nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit itinanggi ng lalaki ang reklamo ni Allosa na pinipilit niya itong may mangyari muna sa kanila bago siya magbigay ng sustento.

Inamin naman nito na hindi pera ang ibinibigay niya para sa kanyang anak.

Napag-alaman naman ng programa na dating magkasama sa trabaho ang dalawa at nagkaroon ng relasyon.

Ngunit nagkahiwalay din matapos mabuntis si Allosa base na rin sa kwento nito na iniwasan na lang daw siya ng lalaki matapos nito.

Sa huli, naobliga din si Aragon na magbigay ng halagang P3,000 kada sahod nito para sa anak niya kay Allosa.

Kailangan kasing hatiin ang sahod nito dahil may iba pa palang anak ang lalaki sa ibang babae.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel