Door knob, nakita ng customer order niyang Nachos mula sa kilalang fast food chain

Door knob, nakita ng customer order niyang Nachos mula sa kilalang fast food chain

- Laking gulat ng isang customer nang makakita ito ng 'door knob' sa kanyang pagkain

- Nakuha pa itong itanggi ng kilalang fast food chain ngunit napag-alamang mula nga sa kanila ito

- Pinaghintay pa umano siya sa drive-thru ng restaurant ng 45 na minuto para lamang sa order niyang mayroon pang aberya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking gulat daw ng customer ng Taco Bell New York city na si Eve Saint nang makita niya ang isang door knob na nakahalo sa kanyang Nachos.

Ayon sa 9Gag, pinaghintay pa umano ang customer na ito ng tumataginting na 45 minuto para lamang sa kanyang order na magkakaroon pa ng aberya.

Agad na itinawag ito ng customer sa naturang Taco Bell branch ngunit itinanggi naman ito ng mga tauhan doon.

Anila, imposible daw na magkaroon ng door knob sa kanilang hinandang na pagkain.

Di tinantanan ng customer ang branch dahil gaya ng makikita sa larawan, di pa niya nagagalaw manlang ang pagkain kaya imposible rin na siya raw ang naglagay lamang nito.

Door knob, nakita ng customer order niyang Nachos mula sa kilalang fast food chain

source: Eve Saint
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kanyang pangungulit sa Taco bell upang malaman kung saan nanggaling ang sinasabing door handle, napag-alamang di ito door knob kundi 'nacho cheese handle.'

Mapapansin ngang maaring nahulog na ang takip ng cheese dispenser bago pa man mailagay ang ibang sauce dahil nalagyan na rin ang halos kakulay na ng cheese na cover na ito.

Samantala, binigyang pansin naman ito ng Taco Bell at sinabing aayusin nila ang naging gusot na ito sa customer.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel