Misis, nabuking si mister sa lihim na pagtulong sa 18-anyos na beauty queen

Misis, nabuking si mister sa lihim na pagtulong sa 18-anyos na beauty queen

- Hindi nakapagpigil ang isang ginang matapos niyang mabuking ang mister na dating kapitan na lihim na tinutulungan ang isang 18-anyos na beauty queen

- Kaya naman si misis, napag-initan ang dalaga na itinanggi ang pagkakaroon ng kaugnayan sa dating kapitan

- Giit naman ni mister, tulong lang naman daw ang ibinibigay niya sa dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Idinulog sa Wanted sa Radyo ng 18-anyos na grade 12 student na si Ruth Abanco ang kanyang reklamo laban sa kagawad sa kanilang lugar na nagpapakalat ng mga tsismis laban sa kanya.

Ayon kay Ruth, kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi sa kanya ng kagawad na si Jocelyn Alejandro at nagpakita ito ng mga ebidensiya sa programa.

Nahihiya na rin daw siya sa kanilang lugar at maging sa kanilang eskwelahan dahil sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanya.

Ngunit napag-alamang nagalit si Kagawad Jocelyn dahil natuklasan nitong matagal na palang tinutulungan ng kanyang mister at dating chairman na si Roger Alejandro ang dalaga nang palihim sa kanya.

Paliwanag pa ni Jocelyn, bilang asawa ay nakapag-isip daw siya ng hindi maganda laban sa dalawa at pinairal ang kanyang galit.

Nang makausap naman ang dating kapitan, inamin nito ang ginawang pagtulong ng lihim sa dalaga ngunit iginiit nito na tulong lang ang kanyang ibinigay kay Ruth at wala silang relasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakiusap din ito na ayusin na lamang nila ang kanilang programa at tumanggi nang humarap kay Raffy Tulfo.

Sa huli ay nagkasundo rin ang tatlo at humingi ng tawad sa isa't-isa.

Samantala, ang ilan namang netizens ay may kanya-kanyang opinyon sa reklamong ito.

"May karapatan magselos,maghinala ang Misis bakit kasi nilihim ng asawa ayan tuloy nagkakagulo."

"I feel you kagawad mahirap talaga pag may naglihim .. kung ako rin di ko rin matanggap na paglihiman."

"Dapat Jocelyn ung asawa mong chairman ang komprontahhin mo wag lang yung estudyante.biktima yan dahil sigurado may pagnanasa yung asawa mong chairman sa bata."

"Bkit kc hndi pinapaalm kay misis? Syempre khit sinong misis magdududa tlga."

"Parang tropa lang kausapin ni Ruth si Sir Roger eh. Baka nga may something."

"Secret scholar ni kap si girl.. Kaloka! ttnggap ng sustento pag nalaman ng asawa at napagsalitaan ng masakit mag rereklamo."

"Ang reaction ni Misis ay normal. Hindi mo sya masisi. Makukulayan talaga pag nagbibigay ng palihim si Mr."

"Pabigay bigay c kap para in future singilin nya Ang Bata ..galawang hokage c kap."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel