HS dropout sa Pinas, matagumpay ng food truck owner na sa Belgium

HS dropout sa Pinas, matagumpay ng food truck owner na sa Belgium

- Namamayagpag ngayon sa Belgium ang Regino's Fresh Burger and Fries na pagma-may-ari ng isang Pinoy

- High School dropout man, pinatunayan niyang di iyon ang katapusan ng pagkakaroon niya ng maayos na buhay

- Marami mang pinagdaanan, ngunit masasabi niyang nakamit na niya ngayon ang minimithing tagumpay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Filipino migrant si Louis Cruz na namamayagpag ngayon sa Belgium dahil sa kanyang food truck business.

Sa ulat ni Raquel Bernal-Crisostomo, ABS-CBN News, Ang ama ni Louis ang nagdala sa kanya sa Belgium taong 1997.

Aminadong high school dropout si Louis sa Pinas ngunit tila bumawi naman siya nang makarating siya sa bansang Belgium.

Nagsimula siya roon sa pagpasok sa tatlong magkakaibang trabaho sa isang araw.

Nandoong nagtrabaho siya sa fast food chain sa umaga at naglilinis naman ng parking lot tuwing gabi.

HS dropout sa Pinas, matagumpay ng food truck owner na sa Belgium

source: Belgium Food Truck
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit di naman siya nakuntento sa ganoong hanapbuhay lamang.

Nakaisip siyang kumuha ng crash course sa culinary arts na siyang simula pala ng pagbabago ng buhay sa bansang tinuring niyang pangalawang tahanan.

2017 nang una niyang ang negosyong Regino’s Fresh Burger and Fries.

Kwento ni Louis, fresh daw talaga ang kanyang mga paninda di gaya ng sa iba roon na frozen goods na lamang ang ginagawang mga fries at burgers.

Isa pa sa pinagmamalaki ni Louis ay ang kanyang pagiging Pinoy na masayahin at pala-kaibigan.

Magkakaroon na ng ikaapat ng food truck ang kanyang negosyo at inaasahang lalago pa ito sa mga susunod na taon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel