Yeng Constantino binanatan ang doktor sa ospital na pinagdalhan sa asawa

Yeng Constantino binanatan ang doktor sa ospital na pinagdalhan sa asawa

- Ibinahagi ni Yeng Constantino sa kanyang YouTube vlog ang buong pangyayari nang maaksidente ang kanyang asawa

- Maliban sa kakulangan sa gamit ay ikinasama ng loob ni Yeng ang karanasan sa isang doktor

- Hiniling niyang sana ay maaksyunan ng local government ang mga reklamo sa doktor na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ni Yeng Constantino na maglabas ng sama ng loob laban sa isang doktor na kanyang pinangalanan sa kanyang Instagam post at YouTube vlog. Ibinahagi ng singer ang naging karanasan nila sa ospital na pinagdalhan sa kanyang asawang si Yan Asuncion.

Ito ay matapos magkaroon ng temporary memory loss si Yan dahil sa impact ng kanyang pagtalon sa isang cliff diving spot sa Siargao na nauna nang naiulat ng KAMI.

Nakatawag naman agad diumano ng ambulansiya ang bangkero nila kaya nadala nila agad si Yan sa ospital sa Del Carmen. Sinuri ang Blood Pressure niya at normal naman.

Matapos mabigyan ng gamot at malagyan ng neck brace, sinabihan silang kailangang ilipat siya sa ospital na may mas kompletong gamit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inilipat sila sa Dapa Siargao Hospital ngunit tumagal ang kanilang pag stay sa ospital dahil sa ilang mga dahilan.

Wala ang x-ray operator kaya pumalya ang unang pag x-ray kay Yan. Ilang medical staff mula sa General Luna Siargao Hospital ang dumating upang tulungan sila.

Dagdag pa ni Yeng, nakabox pa ang emergency scanner para matukoy kung mayroong namuong dugo sa kanyang ulo. Wala pang battery charge kaya kinailangan uli nilang maghintay.

Nabanggit din ni Yeng na nangungukyakoy pa ang doktora habang binabasa ang manual ng infrascanner na nagpapakita ng kawalan ng sense of urgency at malasakit sa kanilang pasyente.

Ayon pa sa isang medical staff na tumangging mapangalanan, marami daw talagang namamatay sa hospital sa Dapa Siargao Hospital because of negligence.

Sa kanyang pagbabahagi ng kanilang karanasan, nais ni Yeng na sana ay maaksiyunan ang problemang ito ng lokal na pamahalaan.

Si Yeng Constantino ay isang mang-aawit na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite.

POPULAR: Read more about Yeng Constantino here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano San English Ang Batok?| HumanMeter

Check out Human Meter's Tricky Questions Human Meter hits the streets to ask random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel