Pagtulak ng isang babae sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa video

Pagtulak ng isang babae sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa video

- Viral ngayon ang video ng pagtulak ng isang babae sa pari habang ito'y nagmimisa

- Di naman naging klaro ang motibo ngunit naganap daw ito matapos sabihin ng pari na di makakarating ng langit ang mga babaeng matataba

- Wala namang tinamong anumang sugat o pinsala sa katawan ang pari na nagawa pang tapusin ang misa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa Twitter world ang video kung paano naitulak ng isang babae ang pari habang ito'y nagmimisa sa Brazil.

Ayon sa Yahoo news, nasa kalagitnaan ng isang televised mass ang paring si Rev. Marcelo Rossi nang sugurin ito ng isang babae at itinulak siya nito mula sa entablado.

Matapos ang pangyayari, naipakita rin ang reaksyon ng mga taong nagsisimba na gulat na gulat sa nagawa ng babae.

Di malinaw ang motibo ng babae kumbakit niya ito nagawa ngunit naganap daw ito matapos sabihin ng pari na di makakaakyat ng langit ang mga babaeng matataba.

Nasabi rin na wala raw pala sa katinuan ang babaeng basta na lamang umakyat ng entablado.

Wala namang naiulat na natamong seryosong sugat ang pari at nagawa pa nitong tapusin ang misa.

Narito ang kabuuan ng video na umabot na sa 7.7 million views.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities' heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon

Celebrities' heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon

Celebrities air heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel