Pro-Duterte writer, tinawag na "epal" at "trapo" si Sen. Grace Poe

Pro-Duterte writer, tinawag na "epal" at "trapo" si Sen. Grace Poe

- Epal at trapo ang itinawag ng writer na si Krizette Laureta Chu kay Senator Grace Poe sa isa nitong Facebook post kamakailan lang

- Anito, "umeepal" si Poe sa pagsasabatas ng Student Fare Discount Act na pinirmahan kamakailan lamang ni Pres. Duterte

- Ito ay matapos manawagan ng senador sa mga concerned government agencies na maayos ma-implement ang bagong batas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May banat muli ang matapang na writer at kilalang masugid na taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Krizette Laureta Chu.

Sa kanyang Facebook post noong July 16, tinawag ni Chu na "epal" at "trapo" si Senator Grace Poe kaugnay sa Student Fare Discount Act na pinirmahan ni PRRD kamakailan lang.

Ito ay matapos na manawagan ni Poe sa mga concerned government agencies na maayos na ma-implement ang bagong batas na ito para sa mga estudyante.

“We call on the concerned government agencies to properly implement the law and guarantee students their full benefits, while keenly seeing to it that commitments to the transport sector, such as tax deductions and subsidies, are fulfilled and their rights not ignored,” ayon kay Poe sa isang statement.

Nagpasalamat din ang senadora kay Pangulong Duterte sa pagpirma nito sa nasabing batas.

Ngunit hindi ito nagustuhan ni Chu, at agad na bumanat sa pamamagitan ng kanyang social media account.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Ang epal, grabe.

So the government declared the 20 percent discount yesterday, and today she “appeals” to the agencies to properly enforce the law.

Take note, wala syang kinalaman sa law. Take note, wala syang participation. Take note, wala syang contribution.

Pero nag appeal sya agad na akala mo eh nag effort sya for this law to happen.

Grace Poe is trapo at your finest." ani Chu sa FB post.

Sa isang ulat ng Inquirer, napag-alaman ng KAMI na isa si Poe sa author ng bill sa upper chamber na naglalayong mabigyan ng 20 percent discount ang mga estudyante kahit holiday at weekend o Republic Act 11314 or the Student Fare Discount Act.

Sa isang artikulo naman ng KAMI, binanatan din ni Chu si former Senator Trillanes matapos nitong hikayatin ang mga miyembro ng Kapa na magsampa ng impeachment laban sa presidente.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel