Mayor Isko, inaming madalas na siyang nakakatanggap ng "take care" messages

Mayor Isko, inaming madalas na siyang nakakatanggap ng "take care" messages

- Sa dalawang linggo pa lamang ni Mayor Isko sa kanyang pwesto bilang alkalde ng Maynila, maraming beses na daw siyang nakatanggap ng "take care" messages

- Kasunod ito ng mga balitang nakakatanggap umano ang bagong mayor ng mga death threats

- Para naman daw kay Moreno, pagpapatunay lamang ito na naiintindihan ng publiko na delikado ang kanyang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na maraming beses na siyang nakakatanggap ng mga "take care" messages simula nang maupo siya bilang bagong alkalde ng Maynila.

Partikular na ang mga mensaheng “Please take care of yourself” at “Please keep yourself safe.”

“Sa buong buhay ko po, ngayon lang ako nakatanggap ng maraming ‘take care’, sa buong buhay ko sa public service,” ani Moreno.

“Oo! Millions! Walang biro, millions,” dagdag pa niya.

Kasunod ito ng mga balitang nakakatanggap na umano ng death threats ang famous na mayor, na naiulat na ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang ulat ng Inquirer, sinabi ni Mayor Isko na patunay lamang ito na naiintindihan ng publiko na delikado ang kanyang ginagawang trabaho para sa kanyang mga nasasakupan.

Ganunpaman, inamin din ni Moreno na maingat siya pagdating sa pagkilala sa kanyang tunay na kakampi o kalaban.

“I will never put myself in that situation na maglalakad ako sa bangin na may kasama ako sa kodli (likod), hindi ko gagawin ‘yun. Alam niyo bakit? Eh ‘yun din ang tutulak sakin sa bangin. This [job] is very dangerous," anito.

Pero pagdating naman daw sa “occupational hazards” na kaakibat ng kanyang sinumpaang trabaho ay ipinagpapasa-Diyos na lamang ng batang Maynila.

“Pinagpapasa-Diyos ko nalang ‘yan. Meron naman ako eh… May Jesus. Dala-dalawa pa nga anting-anting ko eh. Kailangan ko talaga ng mga anting-anting,” sabi pa nito.

Sa loob ng dalawang linggo pa lamang ni Moreno sa pwesto bilang alkalde ng kapitolyo ng bansa ay agad na itong humakot ng pag-hanga mula sa mga mamamayan, hindi lang ng Maynila ngunit maging sa ibang lugar sa bansa.

Agad na nag-viral ang ginawang pagbabago ni "yorme" sa ilang sikat na lugar sa lungsod tulad ng Divisoria at Bonifacio shrine.

Kamakailan lamang ay ang underpass na malapit sa Manila City Hall naman ang kanyang nilinis at inalis ang mga ilegal na vendors doon, na una nang naibalita ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel