Sinasabing imahe raw ni Hesus sa puno na binahagi ng isang netizen, binatikos

Sinasabing imahe raw ni Hesus sa puno na binahagi ng isang netizen, binatikos

- Nag-viral ang post tungkol sa sinasabi ng isang netizen na imahe raw ni Kristo na lumabas daw sa puno

- Habang ang ilan ay naniniwala, tila mas marami ang nagduda at sinabing wala naman daw silang nakikitang mukha ni Kristo sa puno

- Kuha raw ang imahe sa isang barangay sa Isabela matapos ang malakas na ulan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan sa social media ang mga larawan ng sinasabing imahe ni Kristo na kuha mula sa isang puno sa barangay Colonguan, Sto. Tomas Isabela.

Ayon sa netizen na nagbahagi nito na si Rosita Gamal Gumatay Lopez, kuha niya ang mga larawan noong Hulyo 15 matapos ang ang isang malakas na ulan.

Laking gulat na lamang daw niya nang makitang lumitaw ang imahe raw ni Hesus sa puno ng saging.

Ang ilan ay naniniwalang mukha nga ni Kristo ang nasa puno ngunit ang karamihan ay nagsasabing wala naman daw silang nakikitang imahe ni Hesus sa mga binahaging larawan.

Ang iba, sinasabi pang huwag naman sanang sambahin ang puno gayung wala namang kasiguraduhang imahe nga ni Kristo ang lumitaw dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa samu't saring mga komento ng ma netizens:

"Walang nakakita kay Jesus maliban sa mga disciples."
"yan nanaman ang mga nagpapaniwala sa bakas eh normal yan"
"Huwag naman po sanang sambahin ang puno ng saging dahil lamang sa imahe raw na nakita"
"May mas malapit pa nga ng mukha ni Christ sa puno malapit sa min pero di naman na kinunan pa ng picture."
"Ano na naman ito? May ma-i-post lang?"

Gayunpaman, umabot pa rin sa 3,800 na positive emoji reactions ang post. Nasa 7,700 din ang shares ng post na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel