Babae, nagbigay ng ₱1000 sa matandang tindera na nakasakay lang niya sa jeep

Babae, nagbigay ng ₱1000 sa matandang tindera na nakasakay lang niya sa jeep

-Viral ang post tungkol sa pagtulong ng isang babae sa matandang nakasakay lamang niya sa jeep

- Umani ng papuri ang babae dahil sa pagbibigay niya ng ₱1000 sa lola na di naman niya kakilala

- Napag-alamang tindera pala ng gulay ang matanda na walang tinatanggap na pension at ang masaklap ay PWD pa ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post tungkol sa isang babae na di nagdalawang isip na magbigay ng tulong sa nakasakay niyang matanda sa jeep.

Binahagi ng netizen na si Armhyn Garcia Sarmiento ang nasaksihan niyang pagtulong ng di napangalanang babae kung saan binigyan nito ng isang ₱1000 ang matandang tindera ng gulay na nakatabi niya sa jeep.

Napansin kasi nilang marami itong dalang panindang gulay ngunit nag-iisa lamang itong bumibiyahe.

Kwento ng matanda, siya ay nasa edad 70 na at nagtitinda hanggang alas-otso ng gabi.

Ginagawa niya ito dahil wala siyang natatanggap na pension. Daing niya, tinanggal daw siya sa listahan.

Ang masaklap pa raw, PWD o person with disability ang matanda kaya naman nararapat lamang na matulungan ito ng lokal na pamahalaan ng lugar nila sa Sta. Rita, Pampanga.

Malungkot din niyang binahagi na nagawa na niyang idulog ito sa munisipyo ng kanilang lugar ngunit wala naman daw nangyari.

Marahil, dala ng pagkaantig ng puso ng babae sa matanda ay di ito nagdalawang isip na abutan ng ₱1000 nang sa gayon ay makabawas sa isipin nito sa loob ng ilang araw man lamang.

Nakatutuwang isipin na mayroon pa rin naman talagang mga taong may malasakit sa kanyang kapwa lalong lalo na sa kapwa nating matindi ang pangangailangan.

Dahil dito, marami ang humanga sa ginawa na ito ng babae na sa abot ng kanyang makakaya, nagbigay siya ng higit sa inaasahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:

"Salamat sau ate, more blessings po para madami pa kau matungan"
"Blessed cheerful giver ate gurl.. sana dumami pa lahi mo na ubod ng bait."
"Salamat sa mga taong matulongin sakapwa salamat ma'am"
"God bless you ma'am and keep it up."
"I salute you mam 'Si God napo mag blessing din syo, sana mrami pang katulad mo ate."
"God bless po mam, sana po marami pa po ang katulad ninyo na matulungin sa kapwa lalong lalo na po sa kagaya ni lola."
"Sana nga may maka kita pa saknya NG mgandang puso at matulungan c lola.. Salamat po sau ate sa inabot nyong tulong kay lola.."

Lampas 9,000 na ang positibong reaksyon ng post at halos 6,000 na ang shares ng nakaka-good vibes na post na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?Check this out: Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel