Vice Ganda, grabe sa dami ang ibinigay sa nanay ng isang TNT contender

Vice Ganda, grabe sa dami ang ibinigay sa nanay ng isang TNT contender

- Vice Ganda, sobra-sobra ang pagkagalante sa isa sa mga episodes ng It's Showtime

- Grabe lang naman sa dami ang ibinigay ni meme Vice sa nanay ng isang TNT contender

- Kaya naman bumuhos ang maraming reaksyon sa ginawang ito ng Unkabogable Phenomenal Superstar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Vice Ganda, sobra ang ganda ng puso dahil spotted ng KAMI ang isa sa pinag-uusapan ngayon na episode ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.

Sobra-sobra ang pagkagalante ni meme Vice sa nasabing episode dahil grabe sa dami ang ibinigay niya sa ina ni ng TNT contender na si Maris Jane Lasaca.

Gustong mayakap ng ina ni Maris ang TV host at agad naman itong pinaunlakan ni meme Vice.

Lumapit si Vice sa nanay ng TNT contender at dito ay napaiyak ang huli at ibinahagi ang hirap ng buhay nilang mag-anak.

Habang nakikinig si Vice ay naantig na naman ang puso niya at agad-agad binigyan ito ng mga regalo.

Unang ibinigay ni Vice ay isang bagong TV at sumunod ang motor.

At hindi dito nagtatapos ang pamimigay ni meme Vice dahil sinabi rin niya na bibigyan niya ito ng dalawang washing machine para makatulong sa kanyang paglalaba na kanyang kabuhayan.

Sa sobrang dami ng ibinigay ni Vice ay bumuhos ang samu't saring reaksyon mula sa mga na touched na madlang pipol.

"Si nanay hirap na hirap na sa buhay kaya ganyan ang kasiyahan niya."
"Kung nagbigay ka mas madami ang ibabalik ng Diyos sa iyo. Kaya look how successful Vice is."
"Naiiyak ako kay nanay! sobrang hirap sya, dininig ng dios ang panalangin nya, sa pamamagitan ng anak nya sa pagsali ng tnt, nabigyan sya ng chance na tulungan sya ni vice.. God is using people as an instrument to help this poor family! to God be the Glory!!"
"Sino dito ang umiiyak at tumatawa habang nanonood?"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nasabing episode rin ay nabulalas ni Mariel Padilla ang pagsipa ng kanyang baby sa loob ng tiyan at ani pa ni Vice dahil daw sa taas ng tili ni TNT contender Maris.

Si Vice Ganda ang isa sa mga main hosts ng Kapamilya noontime show na It's Showtime, kung saan marami na rin siyang pinatawa at natulungan sa TNT segment ng show.

Bukod pa rito, siya rin ang host ng hit comedy talk show every Sunday sa ABS-CBN, ang 'Gandang Gabi, Vice! (GGV) at isa sa mga judges ng Idol Philippines.

POPULAR: Read more stories about Vice Ganda here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to play Pinoy Tongue Twisters with our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel