Pakistani, humingi ng tulong kay idol matapos maloko ng magbubuko

Pakistani, humingi ng tulong kay idol matapos maloko ng magbubuko

-Idinulog na ng Pakistani na si Tanveer ang kanyang problema kay idol Raffy matapos siyang ma-scam ng isang Pinay na may karelasyong pulis

-Agad naman itong inaksyunan ng batikang mamamahayag na nangako ng tulong dito

-Napag-alaman naman na isa palang taga-hanga ni idol ang Pakistani na bilib na bilib dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kay Raffy Tulfo na tumakbo ang Pakistani na si Tanveer Ahmed matapos siyang maloko ng isang Pilipina sa isang negosyo.

Inireklamo ni Tanveer ang isang Editha na nag-alok sa kanya ng negosyo ngunit hanggang ngayon daw ay wala pang naibabalik sa kanya ang babae matapos siyang mamuhunan ng P120,000.

Pangako daw ng salarin, kikita ng P30,000 kada buwan ang Pakistani mula sa nasabing puhunan sa kanyang buko business.

Inamin naman ng Pakistani na kasalukuyang naninirahan sa Zambales, na agad daw siyang nagtiwala sa babae dahil mayroon itong kinakasamang pulis.

Nang makausap naman ni Raffy Tulfo ang pulis na kinakasama nito na kinilalang si Police Corporal Roderio Roy Destura, itinanggi nitong may alam siya sa transaksyon ng kinakasama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi naman ito pinaniwalaan ni Tulfo lalo pa at hanggang ngayon ay nagsasama pa ang dalawa.

Iginiit naman ni Tanveer na alam ni Destura ang transaksyon nila ni Edith dahil makailang beses na rin niyang sinabi rito.

Napag-alaman pang nagtatago na si Edith at wala na daw sa kanilang tinitirahan ayon kay Tanveer.

Agad namang inaksyunan ni idol Raffy ang reklamo ni Tanveer at posibleng makasuhan pa maging ang pulis at masibak sa pwesto.

Nagpasalamat naman si Tanveer kay Tulfo at inaming taga-hanga nito. Araw-araw din daw nitong pinapanuod ang programa ni idol.

Dagdag pa nito, tiwala siyang matutulungan siya ng programa kaya naman sulit daw ang kanyang paghihintay, gutom at pagod.

Pinasalamatan naman ito ni Raffy Tulfo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel