'Di daw siya magsasawa! Raffy Tulfo, nagbabala muli sa mga kababaihan

'Di daw siya magsasawa! Raffy Tulfo, nagbabala muli sa mga kababaihan

-Matapos ang isang reklamo kaugnay sa pagpapakalat ng mga malalaswang videos ng isang complainant, nagbabala muli si Raffy Tulfo

-Sabi pa nito, hindi daw siya magsasawang magpa-alala sa mga kababaihan kaugnay nito

-Hindi rin naman niya binigo ang complainant at nangako ng tulong dito laban sa ex nito na siyang nagpapakalat ng kanyang video at larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi daw natatapos ang mga reklamo ng mga kababaihan na inaabuso ng mga kalalakihan sa pamamagitan ng pagkuha sa mga ito ng malalaswang larawan o videos ayon kay Raffy Tulfo.

Sa isang reklamo na agad inaksyunan ng batikang broadcaster sa kanyang programa, inireklamo ng isang babae ang kanyang dating nobyo na nagpapakalat ng kanyang malalaswang video at larawan.

Muli namang nagpaalala si idol Raffy sa mga kababaihan na huwag nang pumayag na magpakuha ng videos o larawan kapag hubad o kaya naman ay habang nasa intimate moments.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi daw siya magsasawang magbabala at magpaalala upang maiwasan ang mga ganitong reklamo.

Sa partikular na reklamo, isang Doreen Acosta ang inireklamo ang kanyang ex na si Marlon Velasco na ipinakalat daw ang kanyang mga videos.

Ngunit depensa naman ni Velasco, mga larawan lamang ang kanyang ipinasa sa kaibigan ni Acosta at hindi niya ito ipinakalat.

Ganunpaman, matibay na ebidensiya na ito laban sa kanya para masampahan ng kaso dahil sa paglabag sa anti-cybercrime law.

Nagbanta pa ito na sasampahan rin daw ng kaso si Acosta ng kanyang misis dahil sa pakikipag-relasyon sa kanya.

Ngunit ayon kay Tulfo, maging ito ay sasampahan ng kaso kung sakaling ituloy ng misis nito ang pagsasampa ng kaso kay Acosta.

Nangako naman si Tulfo na tutulungan si Acosta na ilapit sa CIDG ang reklamo nito laban kay Velasco para mabura ang kanyang mga larawan o mga videos.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang Pinay DH ang inireklamo ng kanyang kapwa Pinay matapos umanong kuhanan niya ito ng video habang naliligo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Julia Barretto finally reveals real score between her and Gerald Anderson

Julia Barretto finally reveals real score between her and Gerald Anderson

Julia Barretto finally reveals real score between her and Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel