Japanese businessman, hinangaan dahil sa pangungunang maglinis ng Baguio city

Japanese businessman, hinangaan dahil sa pangungunang maglinis ng Baguio city

- Marami ang humanga sa isang Japanese businessman dahil sa pagkukusa niyang maglinis sa Baguio city

- Di lamang siya nagpupulot ng basura, nagpipintura rin siya ng mga pader na kailangan nang i-repaint

- Hinihikayat din niya ang karamihan na makiisa sa kanyang gawain na tiyak na magandang simula para sa lalong pagpapaganda ng Baguio city

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na nakakabilib ang Japanese businessman na si Masakazu Nose na ilang taon nang namamalagi sa Baguio city.

Abril 2014 nang unang dumating si Masakazu sa bansa. Nagtayo siya ng takoyaki business sa Baguio city. Narito rin siya sa bansa upang matutong mag-Ingles.

Ngunit isang buwan pa lamang siyang namamalagi rito, naisipan niyang maglinis ng overpass sa Magsaysay Avenue, Abanao Street at maging sa Session Road.

Mula noon, nakaugalian na niya itong gawin tuwing umaga. Dala ang kanyang tongs at lagayan ng mga napupulot na basura, iniikot niya ang lugar upang mamulot ng mga balat ng candy, plastic cup at iba pang nagkalat sa daan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod dito, naisipan din niyang mag-repaint ng mga pader at maging ang overpass ay nagawa na rin niyang pinturahan.

Ayon pa sa CNN, ginagawa ito ni Masakazu dahil Baguio ang tinuring niyang pangalawang tahanan.

Sa kanyang Facebook post, hinikayat din niya ang iba pang nais makiisa sa kanyang adhikain at magtulungan silang linisin ang Baguio city sa Agosto 2.

Dahil dito, mas lalo siyang inulan ng papuri mula sa mga netizens partikular na ng mga Pinoy.

Ang ilan naman ay tila nahiya dahil sa dayuhan pa talaga ang nakaisip gumawa ng ganito para lamang maging maayos at malinis ang ating bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities air heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon

Celebrities air heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon

Celebrities air heartbreaking reactions about the alarming burning of Amazon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel