Netizen, nagsabing alak daw ang laman ng binili niyang bottled water sa supermarket

Netizen, nagsabing alak daw ang laman ng binili niyang bottled water sa supermarket

- Alak daw at hindi tubig ang laman ng mineral water na binili sa isang supermarket

- Binahagi ng isang netizen kung paano aksidenteng nakainom ng alak ang kanyang anak mula sa inaakala niyang malinis na bottled water

- Ligtas ang bata ngunit magsilbing babala pa rin daw ito sa lahat lalo na sa mga magulang na may maliliit pang anak

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Binahagi ng isang ina na si Jillian Jacob Udarbe kung paano aksidenteng nakainom ang kanyang anak ng "alak" mula sa inakalang malinis na bottled water.

Kwento ni Jillian, nasa Robinson's supermarket sa Pasig sila noon nang humingi ng tubig ang kanyang anak na kakakain lamang ng biskwit.

Dahil sa nakalimutan niyang magdala ng sarili nilang inumin, bumili na lamang ang mister niya sa supermarket. Uhaw na uhaw, agad na tinungga ng bata ang inuman nang bigla na lamang itong umiyak.

Para mapakalma, pinainom na lamang ni Jillian ng gatas ang anak. Matapos kumalma ng bata, inamoy naman ng ina ang bote at laking gulat niya dahil matapang ang amoy nito.

Labi siyang nagtaka dahi amoy alak ito, di lamang niya matukoy kung gin ba o lambanog.

Agad na nagreklamo sila sa customer service ng supermarket at sinamahan naman muna nila ang bata sa clinic.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon sinuri ang bata at laking pasalamat na lamang nila na ayos ang kanyang anak dahil sa kaunti lamang ang nainom nito at nailabas din.

Ngunit, payo parin ng doktor na obserbahan ang bata sa loob ng 24 oras. Pinayuhan din sila nito na maaring ipa-blotter ang supplier ng mineral water kung saan nila ito binili.

Sa oras na binahagi ni Jillian ang post ay naghihintay pa sila ng tugon mula sa supplier sa tulong ng cutomer service ng naturang supermarket.

Ang mahalaga raw sa kanila ngayon ay ligtas ang kanilang anak.

Magsilbing babala raw ito sa ating lahat lalo na sa may mga maliliit na anak. Mainam na suriing mabuti ang pina-iinom o pinakakain sa mga ito. Nakalulungkot lamang isipin na sa lugar kung saan inaasahan nating malinis at maayos ang ating mabibili, doon pa ito nangyari.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin|

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel