Basher ni Catriona mula Thailand, may kundisyon bago mag-apologize

Basher ni Catriona mula Thailand, may kundisyon bago mag-apologize

- Handa umanong humingi ng dispensa ang beauty queen na mula sa Thailand kay Catriona Gray

- Ito ay kaugnay sa kanyang post sa Instagram na nagsasabing "fat" si Catriona

- Ikinumpara pa niya ito sa isang beauty queen na ayon naman sa kanyang post ay "fit"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng pambabatikos ang Miss Grand Thailand 2019 na si Coco Arayha Suparurk kamakailan lang dahil sa meme na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram story na nagkukumpara sa katawan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Miss Grand International 2018 na si Clara Sosa.

Samantala ayon sa ulat ng Angelopedia, katwiran ng Thai beauty queen, kaya niya ibinahagi ang nasabing meme dahil sa kanyang paghanga sa Miss Grand International 2018 na si Clara Sosa.

Basher ni Catriona mula Thailand, may kundisyon bago mag-apologize
Basher ni Catriona mula Thailand, may kundisyon bago mag-apologize
Source: Instagram

“I shared the photo of Clara because I’m jealous of her body and want it. I shared the truth and everyone hates me for it. Even when I upload a pretty picture of myself, there are a thousand angry comments. I shared the truth. I know she’s Miss Universe, but the picture just says it all.”

Hindi ito nakatulong at lalong tumindi ang mga batikos sa kanya. Samantala, handa naman umano siyang humingi ng dispensa kay Miss Universe 2018 pero sa isang kondisyon.

“If Cat will message me directly, I would apologize.”

Kamakailan nga ay tinanghal na Miss Grand Thailand 2019 si Coco Arayha Suparurk. Matapos daw niyang makuha ang korona, ito ang kanyang naging pahayag dahil na rin sa mga negatibong reaksiyon sa kanya hindi lamang mula sa mga Pinoy pageant fans kundi kahit mula sa ilang kababayan niya.

“I just won the crown. Can’t you celebrate with me and be happy for me?

“I got the crown. Isn’t anyone happy for me at all?”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi man direktang sumagot, nilinaw naman ni Miss Universe 2018 ang kanyang opinyon tungkol sa body-shaming at bullying na nauna nang naiulat ng KAMI.

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe ngayong taon.

POPULAR: Read more about Catriona Gray here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition | HumanMeter

Check out Human Meter's Tricky Questions Celebrity Edition. Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing take up the challenge. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel