Mayor Isko, papanagutin ang mga "pabayang" magulang ng mga batang kalye

Mayor Isko, papanagutin ang mga "pabayang" magulang ng mga batang kalye

-Nagbabala na si Mayor Isko sa mga magulang ng mga batang lansangan na papanagutin niya ang mga ito

-Isa sa mga isyung pinagtutuunan daw nito ng pansin ay ang mga menor de edad at "solvent boys" na nakikita sa ilang lugar sa Maynila

-Kaya naman nagbigay na ng utos ang Manila Mayor sa kapulisan ng lungsod kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Isang babala ang ibinigay ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa mga "pabayang" magulang ng mga batang kalye.

Ani Mayor sa isang press briefing kamakailan ay hahanap siya ng paraan para papanagutin ang mga magulang ng mga batang lansangan.

"Sa lahat ng mga magulang ng mga menor de edad na sinosoga ninyo, yung anak ninyo sa kalye, hinahayaan ninyo — nagso-solvent, humihilata sa avenida, Taft Avenue — e, baka akala ninyo hindi ko napapansin.

"One way or another, I will find a way kung paano ko kayo pananagutin sa inyong kapabayaan sa mga anak ninyo na menor de edad," ani Mayor Isko, batay sa ulat ng CNN Philippines.

Mayor Isko, papanagutin ang mga "pabayang" magulang ng mga batang kalye
Photo source: Google Images
Source: Facebook

Nang matanong naman ito tungkol sa mga binansagang "solvent boys", inamin nitong mayroon pa ring iilan.

"Meron pa rin, panaka-naka," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

"One of the main issues that I raised before the MDSWD (Municipal Department of Social Welfare and Development) and to our policemen is to kunin yung lahat ng solvent boy sa avenida, Rizal Avenue, mga parks, and so on and so forth, tapos dalhin sa MDSWD tapos dalhin Boy's Town," dagdag pa ni Moreno.

Sabi pa ni Mayor Isko, nais niyang makausap ang mga magulang ng mga batang ito. Bagamat, hindi daw titigil ang siyudad sa pangangalaga sa mga kabataan ay nararapat lamang daw na kumilos din ang bawat magulang ng mga ito.

"Alam ko na challenging magpalaki ng anak, totoo yan, lahat naman tayo nakararanas niyan. Pero yung isoga mo nang isoga yung anak mo sa kalye, tapos yung parang bale wala na lang lang sa iyo, na bahala na, e tingin ko naman wala namang masama na kung yung mga magulang ng mga batang ito makausap ko ng masinsinan,"

Samantala, sa isang ulat ng KAMI, sinagot ni Mayor Moreno ang pagkukumpara sa kanya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel