"I am honored," -Mayor Isko, matapos makumpara kay Pangulong Duterte

"I am honored," -Mayor Isko, matapos makumpara kay Pangulong Duterte

-Ikinararangal daw ni Mayor Isko Moreno ang maikumpara kay Pangulong Rodrigo Duterte

-Ito ay matapos mapansin ng mga netizens ang pagkakapareho daw ng dalawa

-Ganunpaman, sinabi rin ng popular na alkalde na marami pa siyang kakaining bigas bago marating ang narating ni PRRD

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa isang press conference nitong Martes, sinagot ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagkukumpara sa kanya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Moreno na isa itong malaking karangalan na mapansin ang kanyang kakayahan sa kabila ng libu-libong alkalde sa bansa.

"I am honored. Isang malaking karangalan. I am just one of 1,630-plus LGU local chief executives. There are about 1,600 mayors — more or less — in the country. I am honored, with all humility," anito.

Ngunit mapagkumbaba ding sinabi ng "astig" na mayor na marami pa daw siyang kakaining bigas bago marating ang mga accomplishments ng dating mayor ng Davao City.

"Kumbaga, truck-truck na bigas pa ang kakainin ko bago ko matularan una, yung naabot ni Pangulo bilang mayor ng Davao (City). Especially during the troubled times...during the uncertainty of Davao in the late 80s and early 90s, we all know that," ayon kay Mayor Isko.

Sinabi rin ni Moreno na hindi naman siya nagbago maliban sa kanyang trabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

"This is me. Kung kaklase ko kayo, kung kababata ko kayo sa Tondo — kaklase ko kayo nung elementary, nung high school, kapitbahay ko kayo, barkada — eto na 'yun... Wala naman nagbago, posisyon lang," sabi pa nito.

Samantala, nilinaw din ng alkalde ang isyu sa "Kusina ni Isko". Sa isang tweet, nilinaw ng Manila Public Information Office na proyekto ito ng "friends and supporters" ni Mayor Isko.

Nagpapasalamat naman dito si Isko ngunit sinabi na raw niya na alisin ang kanyang mukha at pangalan dito.

"They may have good intentions, maganda naman, napapakinabangan naman, pero may konting epal do'n e.

"Yung caricature ko, andoon yata... I called that group of people, sabi ko una, maraming salamat, of course I appreciate it... sabi ko, 'Pare, pwede ba makisuyo?

"Ilagay mo na lang, Kusina ng Maynila, o Kusina ng Batang Maynila, ganon na lang,'" sabi pa ni "yorme".

Sa isa pang ulat ng KAMI, agad namang nag-viral sa social media ang paglilinis sa Lagusnilad Underpass sa Maynila matapos ipag-utos ni Mayor Isko ang clearing ops doon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Destroying Filipino Flag For 5k Pesos! By popular demand, we repeated our Independence Day social experiment – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel