Construction workers, hinangaan sa paggalang sa watawat sa isang flag ceremony

Construction workers, hinangaan sa paggalang sa watawat sa isang flag ceremony

- Viral ang post tungkol sa larawan ng tatlong construction workers na nakiisa sa pagpupugay sa watawat ng bansa

- Kahit nasa delikadong pwesto, napakanta pa rin sila ng Lupang Hinirang

- Umani ng papuri ang tatlong di napangalanang construction workers na nararapat lamang na pamarisan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa socia media ngayon ang larawan ng tatlong construction workers na nagawang makiisa sa flag ceremony kung saan sila may trinatrabaho.

Binahagi ng netizen na si Aaron Niño Occidental ang larawang kuha sa San Gabriel Elementary School sa Novaliches, Quezon City ni Ma Froilin Joy Sj Occidental.

Flag ceremony noon ng paaralan at bagaman at nakatayo sa mga scaffolding ang tatlong construction workers, nagawa pa rin nilang ilagay ang kanang kamay sa dibdib at nakikanta ng pambansang awit.

Ayon kay Aaron, binahagi niya ito upang bigyang pugay ang tatlo. Magsiling ehemplo sana ang tatlo sa pagbibigay galang sa watawat saanman at sa anumang pagkakataon.

Samantala, maging ang mga netizens ay di maiwasang bigyan ng papuri ang ginawa ng tatlo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Tama po ang magbigay ng respeto sa flag at sa national anthem natin. Pero mga manalways safety first. Iisa lang po ang buhay natin kaya dapat lang po na ingatan natin ito. Salute sainyo mga man.safety first!"
"Yan ang tunay na mga pinoy!!!"
"Thank you....proud pinoy here...."
"Kudos to their teachers too. They have instilled the value respect"
"Proud pinoy talaga sila.... dapat lahat ng pinoy ganyan... bata matanda may ngipin o wala.... we need to respect our own flag and our nat'l anthem ... malaki ang hirap ng mga bayani natin noon dyan ... at d na e expired ang kanilang achievedments..."

Nasa 2,700 reactions at 2,500 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel