Instant noodles, ginamit na pang-ayos ng sirang lababo, mangkok, upuan at pati inidoro

Instant noodles, ginamit na pang-ayos ng sirang lababo, mangkok, upuan at pati inidoro

- Viral ang video ng paggamit ng instant noodles upang maayos ang mga basag na kagamitang yari sa porselana

- Makikita sa video na ang noodles pati na rin ang mga pampalasa nito ay ginamit upang mapanumbalik muli ang dating itsura ng mga kagamitan

- Umabot na sa 31 million views ang video nito marahil dahil sa mga di makapaniwalang netizens na maaaring palang gawin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang di makapaniwala sa viral video kung saan instant noodles ang ginamit na pang-ayos ng sirang bagay na yari sa porselana.

Sa video na binahagi ng Vitamin Life sa Facebook, makikita kung paano ipinang-tagpi ang noodles kasama ang mga sangkap nito sa sirang toilet bowl.

Tila may inilagay na pandikit o anumang pampatigas pa lalo sa noodles dahil matapos itong mailagay, sumunod nang nakita na ginagamitan na ito ng liha upang makorte at lumapat na sa tamang hugis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinakahuli na ang pag-spray ng pintura na kakulay ng sirang gamit.

Pareho rin ang proseso na ginawa sa sirang lababo, mangkok at maging upuan at suklay.

Sa video naman na binahagi ng South China Morning post, tila may ilang netizens na nag-kuwestyon kung maari ba talagang gamitin ang noodles sa pag-aayos ng mga sirang gamit.

May ilan kasing nagtangkang smubok ngunit di nagtagumpay.

Ang ilan di naiwasang maisip na paano na lamang kung mabasa ang bahagi na tinakpan lamang ng noodles? Baka raw ito ay lumambot at masirang muli.

Gayunpaman, tumataginting na 31 million views parin ang naturang video.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel