Dawn Zulueta, nakipagsabayan kay Daniela ng Kadenang Ginto! Netizens, nawindang

Dawn Zulueta, nakipagsabayan kay Daniela ng Kadenang Ginto! Netizens, nawindang

- Dawn Zulueta, sumali na rin at nakipagsabayan kay Daniela ng Kadenang Ginto

- Usap-usapan ngayon ang mga larawan sa socmed nina Dawn at Dimples Romana

- Kaya naman ang mga netizens ay windang sa sobrang aliw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dawn Zulueta, bonggang napasali na rin sa pakikibagsabayan kay Daniela ng Kadenang Ginto at naispatan ng KAMI ang mga nasabing larawan sa socmed na ikinawindang ng mga netizens sa sobrang aliw.

"Daniela fever is still on!" Ika pa nga ng marami at pati ang walang kupas ang ganda at batikang aktres na si Dawn Zulueta ay sumali na rin sa latest viral sensation sa online world.

Sa katunayang nagbahagi ng pictures si Dawn kasama si Dimples Romana, ang gumaganap na Daniela sa hit teleserye ng Kapamilya Gold.

May kwelang palaban pa si Dawn sa kanyang caption.

" Ikaw malditang bratinelang bata ka.. hindi ba color coded ang mga maleta ngayon? ~ Emily Guidotti #charot "

At dinugtungan ng isang sweet na message para sa aktres na si Dimples Romana.

"#OhDani I enjoyed this playtime with you, @dimplesromana Love you! "

Sobra namang kinilig ang puso ni Dimples sa naganap na ito.

Ani pa niya sa kanyang caption:

"I CANT ...Thank you universe... I was fangirling over Ms @dawnzulueta earlier today. She was so game , super kind and may photo pa kami ng #OhDani ..I love you po! Sana makatrabaho ko po kayo Ma’am ..."

Heto naman ang ilan sa mga komento ng nawindang sa aliw na mga netizens:

"Kay Ms. Dawn lang pala susuko ang paglalakbay mo daniela eh, kung san san ka na nakakarating hehe nalibot mo na buong mundo hahaha..."
"#OhDani and #OhDawni"
"Hahahaha .. Emilia vs. Daniela . I love that"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napasubo rin sina Negi at Brenda Mage sa pakikipagbasayan sa mga karakter nina Daniela at Romina ng Kadenang Ginto sa GGV episode.

Si Dawn Zulueta ang gumanap na Emily Guidotti ng hit teleserye dati na Walang Hanggan ng ABS-CBN noong 2012.

Busy ngayon si Dawn sa pagpo-promote ng 'Family History' movie nila ni Michael V.

POPULAR: Read more news about Dawn Zulueta here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to play Pinoy Tongue Twisters with our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel