Netizen, isiniwalat ang pamamahiyang ginawa sa kanyang kapatid sa loob ng jeep

Netizen, isiniwalat ang pamamahiyang ginawa sa kanyang kapatid sa loob ng jeep

- Masama ang loob ng isang ate nang magsumbong ang kanyang kapatid sa pamamahiyang naranasan nito mula sa driver ng isang jeep

- Dahil daw sa may kalakihan ang kapatid ay ayaw na sana itong pasakayin ng tsuper kaya naman sumabit na lang daw ito

- Maging ang mga netizens ay nagngitngit sa inis sa driver ng jeep na sana raw ay maturuan ng leksyon lalo na pagdating sa pagrespeto sa kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isiniwalat ng netizen na si Zandra Buenaventura ang di umano'y pamamahiyang naranasan ng kanyang kapatid mula sa driver ng nasakyang jeep sa Meycauayan, Bulacan.

Kwento ni Zandra, papasok noon ng trabaho ang kanyang kapatid nang sumakay ito sa naturang jeep.

Sasampa pa lamang daw ito nang sabihin ng driver na puno na ang jeep kaya napilitan na lamang ito na sumabit.

Kahit pa may bumaba na, tila ayaw pa rin paupuin ng driver ang pasahero. Di nagtagal at may sumakay naman na mga babae kaya sumabit pa rin ang kapatid ni Zandra.

Di na napigilan ng driver at hayagang sinabi na ayaw niyang pasakayin ang lalaki dahil sa may kalakihan ito.

Gigil na gigil daw ang kapatid ni Zandra sa sobrang pamamahiya ng driver sa kanya.

Mabuti na lamang at mayroon pa rin namang nagmagandang loob sa lalaki at pinapasok at pinaupo na ito.

Pinagtanggol din ng mga ito ang kapatid ni Zandra at sinabing nagbayad naman ito bilang pasahero at mali na di ito pasasakayin dahil lamang sa ito ay "mataba."

Binahagi ni Zandra ang plate number ng jeep ngunit minabuti niyang di ipakita ang buong mukha ng tsuper dahil marunong pa rin naman daw silang rumespeto.

Samantala, maging ang mga netizens ay di napigilang maglabas ng saloobin sa pangyayaring ito.

Sadyang mali ang pang-mamata na ginawa ng tsuper na nararapat lamang daw na bigyan o turuan ng leksyon lalo na sa pagrespeto sa kapwa, bata man o matanda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga saloobin:

" Definitely not good. Punta ka LTFR ofc dyan siguro sa malolos sampahan mo ng reklamo. Walang mangyayari kung i-tag lang sila. Or better yet kay raffy tulfo para action agad. Sila i-tag mo you might catch their attention"
"Sana kinuhaan mo ng picture ang mukha ng gagong driver na yon para sumikat sya .... report mo yan sa ltfrb .... alam natin yan kadalasan sa mga jeep kahit 8 lang and dapat sa upuan gawing 9. Yong 10 gawing 11 ... Kala nila parepareho ang laki ng tao. Mga swapang din minsan or madalas pala....walang pakialam kahit naghihirap ang mga pasahero basta sila kumita..."
"Report nyo po sa ltfrb pra mabigyan ng leksyon pag di inasikaso ng ltfrb try kay tulfo pra maparusahan yan sobrang mali po ang mamahiya ng kapwa sa public"
"Alisan ng prangkisa yan.mali yang ginawa nya.bawal tumanggi ng pasahero kahit sino kpa basta may pambayad."
"Ipa tulfo mo para matauhan ang walang hiya nayan total my plate number madaling ma trace yn. Dapat turuan ng ang mga ganyang tao. Kaya nga pulic utility tawag sa sakakyan mo to serve the public taposmamimili ka ng sakay .. paki share para mkarating sa kinauukulan..."
"Kagigil si manong driver huh!! hindi lahat ng oras punuan kayo,kapag tapos na rush hr kayo tong hinto ng hinto sa mga nkikita nyong nag aabang ng jeep kahit di kayo pinapara tapos dahil alam nyong punuan bigla ka magdescriminate ng tao? Wag sana mangyari yan sa pamilya mo kase digital ang karma.abangan mo lang baka masalubong mo agad"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel