Manny Pacquiao at pamilya, dumating na sa Las Vegas para sa nalalapit na laban niya

Manny Pacquiao at pamilya, dumating na sa Las Vegas para sa nalalapit na laban niya

- Manny Pacquiao at pamilya, nakarating na ng Las Vegas para sa nalalapit na laban niya

- July 19 na ang boxing fight ni Pacman laban kay Keith Thurman

- At spotted ang mga videos ng pagdating ng angkan ng Pacquiao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Manny Pacquiao at pamilya, safe at masayang dumating sa Las Vegas para sa nalalapit na laban ni Pacman kay Keith Thurman at spotted ng KAMI ang mga videos ng kanilang pagdating sa socmed.

Manny Pacquiao at pamilya, dumating na sa Las Vegas para sa nalalapit na laban niya
Source: Instagram/Val Cuenca/Manny Pacquiao
Source: Instagram

Nagbahagi si Val Cuenca ng video ng pagdating nina Jinkee at Manny Pacquiao kasama ang kanilang mga anak.

Ani pa nito sa caption:

"Let the game Begin Pacquiao vs Thurman Team Pacquiao Arrived in Vegas..."

Hindi din naman nagpahuli si Dyan Castillejo sa pagbahagi ng ilang videos sa pagdating ng pamilya nina Jinkee at Manny Pacquiao pagkatapos ng limang oras na biyahe mula sa kanilang bahay sa LA, ani pa sa caption ni Dyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagbahagi rin si Dyan Castillejo ng videos sa nagaganap na kainan na bida ang putaheng Pinoy sa suite ni Manny Pacquiao.

Dumagsa naman ang mga komento sa mga excited na netizens sa laban ni Manny.

"The lion has landed!!!"
"Yessss!!! The team is here!!!"
"Manny- grand boxer!"

Una ng ipinaalam ni Jinkee Pacquiao ang pagbiyahe nila papuntang Las Vegas sa kanyang trending vibrant yellow OOTD snaps sa LA mansion nila ilang oras pa lang ang nakakaraan.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko.

Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo.

Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan.

Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to play Pinoy Tongue Twisters with our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel