Titser, lumusong sa baha na pasan ang estudyanteng may sugat

Titser, lumusong sa baha na pasan ang estudyanteng may sugat

- Isang titser ang hinangaan ng maraming netizens dahil sa ginawa niya sa kanyang estudyante

- Lumusong siya sa baha na pasan2x ang estudyante sa kanyang likod

- May sugat daw kasi ang kanyang estudyante at ayaw niyang ma-impeksyon ang sugat ng bata kung ito'y lulusong sa baha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ng netizens ang isang guro sa Iloilo City pagkatapos siyang nakunan ng larawang pinapasan ang isa niyang estudyanteng babae.

Nalaman ng KAMI na minabuti ni Jessica Jayloni na pasanin ang estudyante niya upang hindi na ito lumusong pa sa baha.

Sa report ng ABS-CBN, napagtantong may sugat pala ang kanyang estudyante, at ayaw niyang ito ay maimpeksyon.

Umabot hanggang lampas sakong ang tubig na pumasok sa mga silid-aralan ng Iloilo City National High School.

Titser, lumusong sa baha na pasan ang estudyanteng may sugat
Titser, lumusong sa baha na pasan ang estudyanteng may sugat (Photo: Regina Escueta via ABS-CBN)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinansela na rin ni Iloilo Mayor Jerry Treñas ang klase dahil dito at nagsiuwian na rin ang mga estudyante.

Ang mga guro ang nagsisilbing mga pangalawang magulang ng bawat mag-aaral.

Sa panahon ngayon, minsan ka na lang makakakita ng isang gurong higit pa sa karunungan ang ibinibigay sa mag-aaral, kundi tunay na pag-aaruga at pagmamahal.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel