Jinkee Pacquiao, glowing beauty sa kanyang bagong OOTD sa LA mansion

Jinkee Pacquiao, glowing beauty sa kanyang bagong OOTD sa LA mansion

- Jinkee Pacquiao, umaagaw pansin sa online world dahil sa kanyang bagong OOTD

- Glowing beauty nga si Mrs. Pacman sa bagong Outfit Of The Day snaps niya sa socmed

- Nagbahagi ng ilang pics si Jinkee na looking vibrant na nag-pose sa LA mansion nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Jinkee Pacquiao, agaw-atensyon na naman dahil sa mga bagong OOTD snaps sa kanyang magarang LA mansion sa Tate na naispatan ng KAMI sa kanyang social media page.

Sa unang pic, makikita na nakaupo si Mrs. Pacman sa kanilang gorgeous at spacious na bagong bihis na living room.

At sa sumunod na photo ay makikita naman siya sa harapan ng kanilang malaking entrance door na grabe ang tindi sa pagka-modish sa architectural design.

Glowing beauty si madam Jinkee na looking vibrant sa kanyang striking yellow dress at sandals.

Lalo pang naging fabulous at stylish ang OOTD look ni Jinkee dahil sa denim jacket niya.

Sa sobrang fabulous at ganda tingnan ni Jinkee ay may napa-comment na:

"Yellow really suits you well po Madame..gwapa kaayo ka(napakaganda mo).."

Sa nasabing post ay ipinahayag ni Jinkee na papunta na sila sa Las Vegas para sa laban ng mister na si Manny Pacquiao kay Keith Thurman.

At nagbahagi naman si Jinkee sa kanyang IG stories ng video ng kanilang road trip papuntang Vegas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Unang ipinasilip ang kanilang bagong gorgeous at spacious living room sa isang video kung saan ipinakita rin ni Jinke Pacquiao ang kanyang bagong makeover na pool sa mansyon nila sa Tate.

Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

POPULAR: Read more news about Jinkee Pacquiao here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to play Pinoy Tongue Twisters with our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel