Paglilinis sa underpass sa Maynila, umani ng iba't-ibang reaksyon sa socmed

Paglilinis sa underpass sa Maynila, umani ng iba't-ibang reaksyon sa socmed

- Matapos ang ilang kilalang lugar sa Maynila, isa namang underpass malapit sa city hall ang "pinagkaabalahan" ni Mayor Isko

- Agarang binaklas ang mga itinayong tindahan doon at agad na nilinis ng mga tao mula sa city hall ang lugar

- Dahil dito, muli na namang naging headline ang Maynila sa bansa at umani ng samu't-saring opinyon sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pa man nakakarekober ang marami sa mga pagbabago sa Divisoria, Carriedo, Blumentritt at Bonifacio Shrine ay may bago na namang pinag-uusapang malaking pagbabago sa Maynila.

Ito ay matapos ipag-utos ni Mayor Isko Moreno ang clearing operations sa Lagusnilad Underpass, na malapit lang sa Manila City Hall na nagkokonekta dito at sa Intramuros.

Nitong Lunes, ilang mga tao mula sa city hall ang spotted na binabaklas ang mga itinayong tindahan sa loob ng underpass.

Ayon sa isang ulat ng Manila Bulletin, nadiskubreng walang permit ang mga vendors doon mula sa city hall at hindi rin nagbabayad ng buwis.

Bukod sa mga permits ay nabigo rin ang mga ito na magpakita ng pruweba ng pagbabayad ng kuryente at iba pang utility bills.

Samantala, sa mga larawan na ibinahagi ng Philippine Star, umani ng samu't-saring opinyon ang panibagong "proyekto" ni Mayor Isko mula sa mga netizens.

"Hindi po ako tga manila, pero araw2 po akong nkasubaybay sa pagbabago ng manila, good job po yorme isko."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"How is the sanitation and odor of the whole underpass ? Why it is not maintained before ? What kind of people are in the city of Manila since it’s very very near the office of the city of Manila. How truly dirty and filthy is the underpass?"

"Good job mayor isko. CCTV Cameras please."

"Manila is great again."

"Diba maganda? Tingnan nyo underpass ayala-makati ave. Ayala-paseo at ayala-rufino, walang vendors. Bakit sila pinayagan ng mga nagdaang mayor?"

"These underpass facilities are one of a kind and may be considered a heritage site for Manilenos."

"Salamat naman at di na mabaho."

"Malinis at mapalitan lang yung mga tiles parang makati na."

"All it need now is a stationed police or guard complete with radio for communication and armed plus continuous light and exhaust if none for air circulation."

"I still remember when I was working at sm manila grabi ang sikip jan dumaan lalo pag papasok ako kasi naging shopping mall itsura nya now as in ang luwag na ..nakakatuwa nmn..salamat mayor isko."

Sa isang artikulo ng KAMI, una nang naiulat ang pambihirang pagkakataon kung saan nakasama ni Ms. Jessica Soho si Mayor Isko sa paglibot sa ilang lugar sa Maynila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Destroying Filipino Flag For 5k Pesos! By popular demand, we repeated our Independence Day social experiment – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Filipino couple sa Arizona, arestado dahil sa pagkamatay ng isang senior citizen

Filipino couple sa Arizona, arestado dahil sa pagkamatay ng isang senior citizen

Mag-asawang Pinoy sa Arizona, sangkot sa pagkamatay ng isang senior citizen
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel