Abu Sayyaf ex-komander at iba pa, kasamang nagtapos mula sa ALS

Abu Sayyaf ex-komander at iba pa, kasamang nagtapos mula sa ALS

- Isa si Moton Indama na dating miyembro at komander ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang nagtapos sa ALS noong nakaraang linggo

- Kasama ni Indama ang iba pang mga miyembro ng Abu Sayyaf ang nagtapos din sa tulong ng programa

- Ayon sa mga ulat, mahigit 200 miyembro na nito ang sumuko sa loob ng tatlong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Isang dating miyembro at komander pa ng bandidong grupo si Moton Indama na kasamang nagtapos sa programa ng gobyerno na Alternative Learning System (ALS).

Nito lamang nakaraang Huwebes, nag-martsa si Indama kasama ang mahigit 40 na dating miyembro ng Abu Sayyaf, ayon sa ulat ng Inquirer.

Si Indama kasama ang kanyang mga miyembro ay dating nangingikil sa mga mamamayan sa isang lugar sa Basilan, batay naman sa ulat ng Phil Star.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Isa siya sa mga sumukong bandido kapalit ng kasiguruhan ng libreng edukasyon sa tulong ng Program Against Violent Extremism (PAVE).

Ginanap ang seremonya sa gymnasium ng Basilan State College sa Isabela City kung saan nabigyan ang mga dating bandido ng certificates of course completion kasama ang ilan pang nagtapos doon.

Ayon pa sa ulat, mahigit 200 miyembro na ng Abu Sayyaf ang sumuko na sa loob ng tatlong taon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Destroying Filipino Flag For 5k Pesos! By popular demand, we repeated our Independence Day social experiment – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel