7 Nagwagwapohang Kapamilya actors na over 40 years old na pero havey pa rin ang kilig powers

7 Nagwagwapohang Kapamilya actors na over 40 years old na pero havey pa rin ang kilig powers

Spotted ng KAMI ang listahan ng Kapamilya Updates sa kanilang 7 nagwagwapohang Kapamilya actors na over 40 years pero swak na swak pa rin ang kilig powers.

Sila ang mga sikat na mga leading men ng Kapamilya network na bentang-beta pa rin ang pagpapakilig sa mga TV at movie viewers lalong lalo na ang kanilang mga fans at tagasubaybay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

1. Richard Gomez

Ayon pa sa Kapamilya Update video na una naming naispatan sa ABS-CBN Facebook page, 52 years old na ang kinikilalang Adonis of the Philippines na si Richard Gomez dahil grabe pa rin ang kilig powers nito lalong lalo na sa mga fans.

2018 nang makatambal si Megastar Sharon Cuneta sa 'Three Words To Forever,' at 2015 naman nang maging ka-partner sina Dawn Zulueta at Bea Alonzo.

2. Piolo Pascual

Sa edad na 42 years old ay patuloy pa ring nagpapakilig si Papa P na kinikilala namang Ultimate Leading Man.

2018 ay bumida siya sa teleserye na 'Since I Found You,' katambal si Arci Muñoz, at noong 2017 ay nagbalik tambalan sila ni Toni Gonzaga sa 'Last Night.'

3. Robin Padilla

Hindi rin nagpapahuli sa kiligan ang 49 years old na si Robin Padilla.

Patok na patok pa rin ang kagwapuhan ni Binoy sa masa lalong lalo na nang bumida siya sa 'Sana Dalawa Ang Puso' katambal si Jodi Sta. Maria noong 2018.

At nagpakilig rin sa big screen sa muling tambalan nila ni Megastar Sharon Cuneta sa 'Unexpectedly Yours' noong 2017.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

4. Ian Veneracion

Isa pang nakakakilig ang kagwapuhan ay si Ian Veneracion na 44 years old na, saad pa sa news source.

Noong 2017, nagpakilig si Ian kasama si Bea Alonzo sa 'A Love To Last,' at kinakiligan rin kasama si Jodi Sta. Maria sa 'The Achy Breaky Hearts' noong 2016.

5. Aga Muhlach

Hindi pa rin daw kumukupas ang appeal ni Aga Muhlach sa edad na 49.

Bumida sa 'First Love' katambal si Bea Alonzo noong 2018.

6. Albert Martinez

Sa aktingan at kagwapuhan hindi rin nagpapahuli sa kanyang kilig powers si Albert Martinez.

Ang 58-year-old actor ay nagpapakilig pa rin ng mga TV viewers sa Kapamilya teleseryes gaya ng Kadenang Ginto at The General's Daughter.

7. Richard Yap

At ang bagong bumibida ngayon sa hit Kapamilya Gold teleserye na Kadenang Ginto ay ang 52-year-old actor na si Richard Yap.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to play Pinoy Tongue Twisters with our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Online view pixel