Marian Rivera at Zia Dantes, agaw-atensyon na naman sa social media

Marian Rivera at Zia Dantes, agaw-atensyon na naman sa social media

- Marian Rivera at Zia Dantes, umagaw ng pansin na naman sa social media

- Nag-post ng bagong pictures si Marian kasama ang kanyang equally pretty mini-me

- Grabe naman kasi ang umaapaw na ka-cute-tan at kagandahan ng mag-mommy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marian Rivera at Zia Dantes, agaw-pansin na naman sa online world dahil sa bagong pictures na shinare sa social media at naispatan ito ng KAMI.

Nagbahagi ng limang bagong larawan si Marian Rivera kasama ang kanyang super cute na ka-twinning na mini-me na si Zia Dantes sa Instagram.

Ani pa ni Marian sa kanyang caption:

"Importante ang paglalaro sa mga batang katulad ni Zia. Di lang siya nakakapagbigay saya sa amin pero tumutulong din upang madevelop ang kanyang motor skills."

Ito pala ay kaugnay ng iniindorso nilang milk brand.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di naman magkamayaw ang mga netizens sa pagbibigay reaksyon sa comment box ng naturang post dahil talaga namang grabe ang umaapaw na prettiness ng mag-mommy.

"Magkamukha talaga!"
"She smiles like her mum."
"Ang gaganda ng mag-ina."
"Grabe naman yan, umaapaw ang gandang lahi ng mag-mommy."
"Pretty mom and daughter pair"

Una ng kinagiliwan ang mag-ina sa kanilang trending bonding moment kamakailan lang kung saan ibinahagi ni Marian Rivera ang paglagay ni Zia Dantes ng mga pekas sa kanyang mukha para maging si Anna ng Frozen.

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network.

Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar.”

Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014.

Ipinanganak naman niya si Zia noong November 23, 2015.

At noong April 16, 2019, ipinanganak ang kanyang 2nd child at baby brother ni ate Z na si Ziggy.

POPULAR: Read more news about Marian Rivera here and Zia Dantes here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to play Pinoy Tongue Twisters with our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel