Motorista, iniligtas ang batang bigla na lamang tumawid sa kalsada

Motorista, iniligtas ang batang bigla na lamang tumawid sa kalsada

- Nailigtas ang isang batang bigla na lamang tumawid sa kalsada

- Mabuti na lamang at alerto ang mga driver ng truck at bus na halos magkasalubong na nakita ang bata sa kalsada

- Nadampot naman agad ng motoristang dumaan ang bata at naialis sa gitna ng kalsada kaya naman walang anumang nangyari rito na di maganda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makapanindig balahibo ang viral video ng isang batang bigla na lamang tumawid sa kalsada.

Sa post ng Facebook page na Huli Ka Balbon, makikita kung paano bigla na lamang sumulpot ang isang batang tinatayang wala pang tatlong taong gulang mula sa gilid ng kalsada patungo sa gitna mismo nito.

Mapapansin ding nasa highway ang pinagmulan ng batang tumawid kaya naman di talaga mawawalan ng sasakyan dito.

Kuha ang video mula sa bus na di kabilisan ang andar kaya nakita ng driver nito ang bata.

Ang nakadagdag pa sa makapigil hiningang pangyayaring ito ay ang truck na paparating din mula naman sa kabilang bahagi ng daan.

Napabusina ang truck na marahil ikinagulat ng batang napaupo pa sa gitna mismo ng kalsada.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad na may mga napadaan namang mga motorista at isa sa mga ito ay nagmalasakit na kargahin ang bata papunta sa gilid ng kalsada.

Maya-maya pa'y may lumabas na isang babae papatakbo sa kinaroroonan ng bata. Marahil ito ay ang kanyang ina o tagapag-alaga. Nagtungo ito sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan dinala ng motorista ang bata.

Mabuti na lamang at walang nangyaring masama sa paslit na marahil nakalingatan ng nagbabantay sa kanya.

Maging babala sana ito sa mga magulang at tagapag-alaga ng maliliit pang bata na doblehin ang pag-iingat lalo na kung ang kinaroroonan ng inyong tahanan ay malapit sa malalaking kalsada gaya ng nasa video.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel