Alden Richards, nagbawas ng timbang pagkatapos sabihan ni Direk Cathy na mataba

Alden Richards, nagbawas ng timbang pagkatapos sabihan ni Direk Cathy na mataba

- Ibinunyag ni Alden Richards na kinailangan niyang magbawas ng timbang para sa pelikula niya kasama si Kathryn Bernardo

- Medyo mataba pa raw siya kasi bago sila magsimula ng movie

- Kaya naman todo effort si Alden at kahit walang tulong ng isang instructor, nakaya niyang magbawas ng timbang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halatang pumayat nga si Alden Richards sa pelikula nla ni Kathryn Bernardo na "Hello Love, Goodbye."

Nalaman ng KAMI na hindi iyon nagkataon lamang dahil talagang intensyonal ang pagpapapayat ni Alden.

Ayon sa ulat ng Bandera Inquirer, sinabihan daw si Alden ni Direk Cathy na mataba, kaya naman siyempre, nag-effort din si Alden.

Kuwento pa ni Alden, hindi siya nagkaroon ng instructor dahil mag-isa lang niyang tinahak ang pagpapapayat.

Siya lang daw ang nagplano ng kanyang mga kakainin, pati na rin ang kanyang mga workout.

Nagbunga ang effort ni Alden at nabawasan siya ng 25 lbs.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod sa pumayat, isa talaga sa pinasalamatan ni Alden ay ang pagiging magkatambal nila ni Kathryn Bernardo sa iisang pelikula.

"Of course, I am very thankful to GMA kasi medyo ang haba po talaga ng proseso bago naging ganito. May hindi po ako makalimutan na sinabi ni direk Cathy (Garcia-Molina) during the storycon when we were being interviewed by the TV crew. Nakita po ni direk na magkatabi ang mic ng ABS-CBN at GMA. Sabi niya, ‘Ay, puwede pala.’" said Alden.

Sa isang report ng KAMI, inilathala na hindi lang si Alden ang nag-effort nang todo dahil si Kathryn ay "pinahirapan" din ni Direk.

Si Alden Richards ay isang Filipino actor. Siya ay nas pangangalaga ng GMA at naging ka love-team ni Maine Mendoza. Kilala silang dalawa ni Maine bilang AlDub.

POPULAR: Read more about Alden Richards

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel