Mga huling sandali ng 8 mountain climbers, nadiskubre sa narekober na GoPro

Mga huling sandali ng 8 mountain climbers, nadiskubre sa narekober na GoPro

- Mula sa isang GoPro na narekober kung saan nasawi ang ilang moutain climbers, nadiskubre ang mga huling sandali nila

- Inilabas ng mga awtoridad ang footage ng mga mountain climbers na nasawi sa Indian Himalayas

- Ayon pa sa mga ito, hindi pala binigyan ng permiso ang walong nasawi na akyatin ang hindi pa naaakyat na peak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Ipinakita ng mga awtoridad sa India ang isang footage kung saan makikita ang mga huling sandali ng walong mountain climbers habang inaakyat ang isang unnamed peak doon.

Pito sa mga katawan nila ay narekober lamang noong June 23, halos isang buwan mula nang mangyari ang insidente, na pinaniniwalaang dahil sa avalanche.

Ayon sa ulat ng CNN, inakyat ng mga ito ang isang peak sa Indian Himalayas na hindi pa naaakyat ng sino man.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Ngunit sabi naman ng awtoridad, hindi binigyan ng permiso ang mga ito na umakyat dito at kahit na humingi pa ang mga ito ng permiso ay hindi rin naman nila ito bibigyan.

Nadiskubre ang video mula sa "memory video device" malapit sa Nanda Devi East ayon sa mga pulis.

Ayon pa sa ulat, mula ang walong nasawi sa grupo na may 12 miyembro na may permit na umakyat lang sa Nanda Devi East.

Ang apat ay umakyat sa Nanda Devi East at pagkatapos ay bumalik na rin sa base camp ng mga ito.

Ang walong nasawi ay binubuo ng apat na Briton, dalawang American, at isang Australian at ang kasamang Indian liaison officer.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Destroying Filipino Flag For 5k Pesos! By popular demand, we repeated our Independence Day social experiment – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel