Sen. Bong Revilla, gustong gawing 55 ang edad ng mga SSS pensionaires

Sen. Bong Revilla, gustong gawing 55 ang edad ng mga SSS pensionaires

-Mula sa edad 60, nais sana ni Senator Bong Revilla na gawing 55 ang edad para makatanggap ng SSS pensions ang mga private employees

-Layon nito na mas ma-enjoy ng mga ito ang kanilang pension nang mas maaga

-Bukod rito, makikinabang din ang mas batang empleyado na papalit sa mga magreretiro sa kanilang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Isinusulong ni Senator Ramon 'Bong' Revilla ngayon ang isang panukalang-batas para mas maagang makatanggap ng SSS pension ang mga empleyado ng mga pribadong kompanya.

Sen. Bong Revilla, gustong gawing 55 ang edad ng mga SSS pensionaires
Photo source: Google Images
Source: Facebook

Ayon sa mga ulat, layon ng batas na ito na gawing 55 ang edad ng mga makakatangg ng pension mula sa Social Security System (SSS) mula sa kasalukuyang 60.

Ngunit dapat ay nakapaghulog na ang isang miyembro ng at least 120 contributions bago magretiro.

Nais daw ng nagbabalik na senador na mas ma-enjoy ng mga empleyado ang kanilang pension.

“Sa pagretiro, makikinabang na rin sila sa benepisyo sa ilalim ng batas, at magkakaroon sila ng higit pang panahon na i-enjoy ang kanilang retirement.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

"Magbubukas din ito ng pagkakataon para sa bagong pag-empleyo dahil mas maaga nilang mababakante ang kanilang mga trabaho,” sabi pa ni Revilla, ayon sa ulat ng Virtual Pinoy.

Bukod dito, ay may iba pang isinusulong si Revilla na mga batas para sa mga matatandang mamamayan ng Pinas.

Ang Centenarians Act of 2019 na magbibigay ng P100,000 incentives sa mga Pilipinong aabot sa edad 100 at hahatiin sa tatlong bahagi. Ang unang P25,000 ay ibibigay kapag ito ay sumapit na sa edad 80.

P25,000 muli kapag sumapit ng edad 90 at P50,000 naman kapag sumapit na sa edad 100.

Isinusulong din Senator Bong ang mga panukalang batas na gawing 56 ang edad ng senior citizen at pagpapatayo ng mga Elderly Care and Nursing Complex sa buong Pilipinas.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isang matandang fans naman ang personal na binisita ni Revilla para batiin sa kaarawan nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Destroying Filipino Flag For 5k Pesos! By popular demand, we repeated our Independence Day social experiment – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel