Magnitude 7.3 earthquake, naitala sa Indonesia ngayong Linggo

Magnitude 7.3 earthquake, naitala sa Indonesia ngayong Linggo

-Umabot sa magnitude 7.3 ang lindol na naiulat ngayong hapon, Linggo, sa Indonesia

-Ngunit ayon sa mga ulat, wala namang babala ng tsunami matapos ang lindol

-Ito ay matapos lang yanigin naman ng magnitude 5.5 na lindol ang Surigao noong Sabado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Naitala ang magnitude 7.3 lindol sa Moluccas islands, silangang bahagi ng Indonesia ngayong hapon ng Linggo ayon mismo sa U.S. Geological Survey.

Bagamat wala namang naitalang nasawi sa lindol, nagdulot naman ito ng panic sa mga mamamayan sa lugar.

Ang lindol ay mayroong depth na 165 km south-southeast ng siyudad ng Ternate, ayon sa ulat ng Philippine Star.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Ayon naman sa opisyal ng meteorology agency ng Indonesia na BKMG, may mga naitala pang pitong aftershocks matapos nito na hindi bababa sa magnitude 5 ang lakas.

Naramdaman din ang lindol sa iba pang bahagi ng Indonesia katulad ng Sulawesi island at Sorong sa Papua island.

Kamakailan lamang ay niyanig rin ang Indonesia ng isa pang lindol na umabot pa nga sa Australia ang lakas, na una nang naiulat ng KAMI.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, nito lamang Sabado ay niyanig rin ng magnitude 5.5 na lindol ang Surigao del Sur.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Destroying Filipino Flag For 5k Pesos! By popular demand, we repeated our Independence Day social experiment – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel