Katryn Bernardo, binahagi ang naging dahilan ng muntik niyang pagbaback out sa pelikula

Katryn Bernardo, binahagi ang naging dahilan ng muntik niyang pagbaback out sa pelikula

- Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang naging dahilan kung bakit muntik na siyang mapa-back out sa pelikula nila ni Alden Richards

- Ito ay dahil nahirapan siyang mag-adjust sa pagkakalayo nila ng kanyang kasintahang si Daniel Padilla

- Isa sa mga naging rules ni Direk Cathy Molina ay bawal gumamit ng cellphone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng aktres na si Kathryn Bernardo ang naging hirap niya habang ginagawa nila ang pelikula kasama ang kapuso actor na si Alden Richards.

Nahirapan siyang mawalay sa kanyang nobyong si Daniel Padilla dahil sa Hong Kong ang naging location ng pag-shoot ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye."

Pinagbawala siyang gumamit ng cellphone ni Dirke Cathy upang makatulong sa kanya sa kanyang karakter sa pelikula. Isa siyang overseas Filipino worker sa kanilang pelikula.

"Sinabi na lang namin basta mag-update-an palagi pag sa mga shoot. Eh kinonfiscate 'yong phone ko," saad ni Kathryn.

"Ang rule ko sa kaniya, lahat puwede mo gawin. Puwede siya magalit sa'kin, puwede niya ako murahin. She can do everything except walk out," pagbabahagi ng direktor.

May pagkakataon din daw na hindi kinausap si Kathryn ng kayang mga katrabaho kaya lalo siyang nalungkot.

"Noong first week ko, 'yon 'yong sinabi ko na umiiyak ako every night. Gusto ko magpa-book ng ticket pauwi," pagbabahagi ni Kathryn.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Ayoko nang tapusin 'yong movie kasi hirap na hirap na ako," dagdag pa niya.

Hindi rin kaagad pinakita sa kanya si Daniel ng pumunta ito sa Hong Kong para sorpresahin siya.

"Noong pumunta siya medyo heavy scene po noon so ginawa nila, tinago siya sa'kin," pagbabahagi ng Kapamilya actress.

Si Kathryn Bernardo ay isang artista, modelo at recording artist. Siya ay binansagang "Teen Queen", "Queen of Hearts" at "Phenomenal Box Office Queen". Sumikat si Kathryn sa kanyang karakter bilang si Mara sa serye ng hit na TV na Mara Clara.

POPULAR: Read more about Kathryn Bernardo here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people some tricky Pinoy riddles. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel