7 taong gulang na Iranian, hinirang na "Most beautiful girl in the world"

7 taong gulang na Iranian, hinirang na "Most beautiful girl in the world"

- Tinaguriang "Most beautiful girl in the world" ng mga netizens ang pitong taong gulang na Iranian na si Madhis Mohammadi

- Mukha raw itong "doll" dahil sa natural na ganda na di na kailangan pang lagyan ng make-up gaya ng ibang ginagawa ng mga magulang sa mga batang tulad ni Madhis

- Dumarami na rin ang mga Instagram followers niya at karamihan sa mga ito ay nasubaybayan siya mula noong siya'y maliit pa lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang tinaguriang "Most beautiful girl in the world" na si Madhis Mohammadi.

Dahil sa natural niyang kagandahan, marami ang natutuwa sa batang ito.

Ayon pa sa Rachfeed, tila ito na raw ang papalit kay Thylane Blondeau na sa murang edad ay nahirang bilang "Most beautiful woman in the world"

Sa kanyang Instagram account, kapansin-pansin ang nakakagiliw na kagandahan ni Madhis.

Madalas din siyang pagsuotin ng kanyang mga magulang ng mga pambatang kasuotan. Bihira din siyang lagyan ng make-up ng kanyang ina di tulad ng ibang mga magulang na madalas nang gawin sa kanilang mga batang anak ngayon.

Masasabing isang internet star na si Madhis lalo pa at halos 200,000 na ang followers niya at karamihan pa sa mga ito ay nasubaybayan siya mula pa noong siya sanggol pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Marami ang nagsasabi na mukha raw "life-sized" doll si Madhis at nakakagiliw tingnan ang iba't ibang mga gawain nito bilang bata.

Kahanga-hanga rin daw ang suporta na binibigay kay Madhis ng kanyang mga magulang. Maging ang ama kasi nito ang siyang nag-aayos ng buhok ng anak at minsan ay kasama rin niya sa mga larawan.

Lumabas na rin sa iba't ibang magazines si Madhis at kamakailan at kasama siya sa music video ng isang musician sa kanilang bansa.

Di magtatagal at sisikat si Madhis di lamang sa kanyang angking kagandahan kundi dahil sa nararapat lamang na siya ay pamarisan ng ibang kabataan pagdating sa mga gawain nila sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: Tricky Questions: Hugis Puso, Kulay Ginto, Mabango Kung Amuyin, Masarap Kainin| HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel